Kabanata 65
Lost
Dalawang araw na ang lumipas simula nong umalis ako sa condo ni Waju nang walang paalam. Dalawang araw na ring bumabagabag sa isipan ko ang tawag na 'yun ni Ma'am Yna.
Ngunit ang higit sa lahat ay dalawang araw ko ng hinihintay na sana man lang tatawag si Waju. Di ba?
Umalis ako nang walang paalam. Umasa ako na tatawag man lang siya para kumustahin ako. Ngunit walang Waju na tumawag. Walang Waju na nagtext. Walang Waju na nagparamdam sakin.
I tried to call him. But he's out of reach. I messaged him so many times but I didn't received even just a dot for his reply. Ni ho ni ha, wala.
O sige na... Aminin ko na... Nagsisimula na akong kabahan. Maraming pangyayari ang nabubuo sa isipan ko.
Paano kung may nangyari palang masama sa kaniya?
Gaga! Kung may nangyari sa Prince Waju mo, e malamang, malalaman 'yun ng buong campus. At ng buong team. At malalaman mo na rin!
E, paano kung ni private lang 'yung nangyari?
Bakit naman ipaprivate? Ano 'yun? Controversial file? Malalaman din 'yun ng school uy.
Hays. E kung hindi siya napahamak, bakit di pa rin siya nagpapakita?
Hala, baka galit sayo...
Bakit naman siya magagalit sakin?
Kasi umalis ka nga diba? Hindi ka nagpaalam!
Ang OA naman niya kung dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin dahil lang dun! Bustedin ko siya e!
Ang tanong, kaya mo?
...
Pinutol ko na ang pag iisip bago pa ako maloka. Ngunit biglang pumasok sa isip ko si Faith.
O, baka naman kasi iniwan ka na para sa babaitang 'yun Belle. Kumpara naman kasi sayo, mas maganda 'yun. Sexy. Sikat. Sopistikada. Mayaman. At higit sa lahat, ang nauna.
Unti unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. (May dibdib ako, wag kayo.)
Pinilit kong ialis ang isipan sa dalawa at tinuon nalang ang pagbabasa sa walang kamatayang El Filibusterismo ni Rizal. Nasa bench ako sa may back garden. Nagbabasa dahil wala naman kaming pasok. May EBRAA kaya masyadong busy ang mga guro namin dahil mga coach sila. Pero kapalit ng walang klase e tambak tambak naman ang ibinigay na contract jobs.
Malamig ang simoy ng hangin. Kabila't kanan ang naririnig kong pag uusap. May narinig pa akong nagkukwentuhan, or should I use the proper word, nagchichimisan.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...