Kabanata 9
Childhood Memory
Pinagalitan ako ni Mama pagpasok ng bahay. Nag aabang siya sa pintuan noong pumasok ako. Tinanong niya ako kung bakit nagabihan ako sa pag-uwi kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanila na manager na ako ng basketball team sa school.
"Sino ang Team Captain, anak?" interesadong tanong ni Papa. He's a very sporty man. Kaya alam kong mag-teakwondo kasi siya ang nagturo sa akin noong bata pa ako. Sinasabi ni Papa na magagamit ko iyon para protektahan ang sarili ko laban sa masasamang tao o sa mga lalaking may masamang balak sa akin.
"Si Jude Warren Chua, po,"
"Jude Warren Chua?!"
Halos malaglag ako sa sofa sa gulat. Sabay sabay ba naman silang magulat!
"Bakit po ma? Anong meron?" naguguluhan kong tanong.
Makahulugan silang nagtinginan. Umiling si Mama nang ibalik ang tingin sa akin.
"Ah—wala anak. Siya 'yong matagal mo ng crush, hindi ba? Simula noong sa Palawan?"
Sinimulan akong asarin ni Mama. Hindi ko alam kung talagang inaasar niya ako o inililihis niya lang ako sa tanong ko.
Pinapakain pa ako nina Mama pero sinabi kong tapos na kaming kumain sa gym. Kaya pinaakyat na ako ni Papa sa kwarto upang magpahinga. Nagtataka man sa naging reaksyon nila sa pagbanggit ko sa pangalan ni Waju ay isinawalang bahala ko nalang. Baka nagulat lang sila kasi anak ng amo ni Papa ang team captain namin.
Matapos kong mag-halfbath ay bagsak ang aking katawan sa kama. Ang saya na naramdaman ko kanina ay nag-uumapaw. Ngunit noong ipinikit ko ang mata ay muli akong dinayo ng aking bangungot. Ngunit para sa akin. Isa na itong magandang bangungot ngayon. Maganda kasi kahit ito ang palaging gumagambala sa akin sa gabe, ito naman ang ala-ala na hindi ko makakalimutan. Kasi ito ang ala-ala ng una naming pagkikita ni Waju.
Tuwang tuwa ako kasi birthday ko ngayon. I'm already seven! Dalaga na ako!
Plinano nina Mama na dito sa Palawan kami mag-celebrate ng aking kaarawan. Iyon din kasi ang request ko sa kanila. Namimiss ko ng lumangoy sa beach. Ito pa naman ang pinakagusto ko. Kasi pakiramdam ko kapag nasa dagat ako, malaya kong gawin ang lahat.
"Mama! Gusto ko pong magswimming!" excited kong sabi. Naiinggit ako sa mga batang naliligo na sa dagat.
Tumango si Mama. Tumayo siya mula sa tabi ni Papa at kinuha ang aking doughnut na salbabida. Nakarating kami ng dagat. Ginabayan ako ni Mama sa pagsuot ng salbabida.
"Anak, dito ka lang sa mababaw ha? Huwag kang pupunta dun sa malayo baka malunod ka. Naiintindihan mo ba si Mama?" Tumango ako sa bilin ni Mama.
"Sige, kung kailangan mo ng tulong andun lang kami ni Papa sa pampang, tawagin mo nalang kami okay?"
"Opo mama! Hihi!"
Habang nakasakay ako sa salbabida pinapadyak padyak ko lang ang paa ko at tinatampal tampal ko ang tubig ng mga kamay ko.
“Mama! Mama!” Sa aking unang pagtawag kay Mama na nasa malayong pampang ay dahil sa labis na katuwaan. Tinatampal-tampal ko ang asul na dagat na tila isa itong drum. Umiikot-ikot ako sa aking doughnut na salbabida, nakikisabay sa beat na aking nagagawa. Saglit kong inihinto ang pagtampal sa dagat at hinintay ang unti-unti nitong pagpanatag. Dinungaw ko ang tahimik na ibabaw ng dagat at napangiti nang makita ang aking repleksyon doon. Isang pitong taong gulang na bata ang aking nakita, sobrang ikli ng buhok na tila panglalaki na, nakasando at kita na ang ngipin dahil sa lapad ng ngiti. Unti-unti lamang napawi ang ngiti ng bata nang tanging kulay asul ng kalangitan ang huli nitong nakita. Unti-unti na akong lumulubog. "Mama!" Nakakainis kasi wala na akong marinig. Kahit iyong tawanan ng mga kapwa ko bata habag naliligo ay hindi ko na marinig. Hindi ko na rin nakikita si Mama at Papa na masayang kumakain sa pampang, sa ilalim ng malaking dilaw na payong. Nawalan na rin ng hangin ang aking baga. Sobrang hirap ng aking paghinga. Sinubukan kong ikampay ang mga paa at kamay ngunit hindi pa rin ako lumulutang. Sobrang lamig ng aking pakiramdam. Nanhahapdi na ang aking mata, hindi ko alam kung dahil ba sa luha o asin ng dagat. Hindi na ako makapagsalita! Mama! Papa! Imbes na hangin ay takot ang pumuno sa aking puso. Nakakatakot. Nakakatakot. Ayaw ko na dito, ilabas niyo ako... Paki-usap... hindi... na... ako... makahinga...
Pero, bago ako tuluyang nawalan ng malay, naramdaman kong may umahon sakin at dinala ako sa pampang.
May dumidiin sa aking dibdib. Paulit-ulit hanggang sa inubo ako nang inubo. Lumabas ang tubig dagat sa aking bibig. Itinayo ako ni Mama.
"Naku, anak! Okay kana? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
Hindi ko siya sinagot kasi umikot ang ulo ko para hanapin iyong bata. Iyong batang sumisid sa akin sa ilalim ng dagat para iangat ako. Iyong batang nasa tabi ko kanina habang wala akong malay. Noong hindi ko pa gaanong naimumulat ang mata ay tumayo na iyong bata at umalis.
"Sino... ang batang iyon... Mama..." inuubo ubo pa ako nang magtanong. Maraming taong nakiusyoso sa nangyari sa akin pero nakapukos lang ang mata ko sa batang iyon.
"Anak 'yun ng amo ko, anak." si Papa na labis pa rin ang pag-aalala sa akin hanggang ngayon.
"Naku! Salamat sa batang iyon at dinala ka agad sa pampang! Kung hindi..." napahikbi si Mama sa takot.
"Ano pong pangalan niya?"
Tinulungan akong tumayo ni Papa at kinarga ako. Suminghot si Mama at pinigilan ang sariling humikbi.
"Jude Warren Chua."
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa kisame. Sa Palawan, doon kami unang nagkita ni Waju. Hindi ko man siya nakausap kahit na unang beses, sobrang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa pagligtas niya sakin. Kung hindi niya agad ako naahon sa dagat noon, siguro patay na ako ngayon. At 'yun din ang dahilang kung bakit ako takot sa tubig.
Simula noong iligtas niya ako sa pagkakalunod ko, hindi ko alam pero siya 'na yung palagi kong hinahanap hanap, palagi ko siyang tinatanong kay Papa, kung nasaan siya, kung anong ginagawa niya. Minsan nga nagtanong si Papa kung crush ko daw si Waju, at sinabi ko sa kaniya ang totoo. Na oo, crush ko si Waju, nagulat nun si Papa, sabi niya bawal ko daw gustuhin si Waju, hindi ko daw siya pweding mahalin. Tinanong ko siya kung bakit, pero wala siyang sinabi.
At ngayon, ang alam lang nina Papa ay crush ko lang si Waju. Ayaw kong sabihin sa kanila, baka sabihin na naman nilang bawal kong mahalin si Waju, na kailangan ko siyang layuan. Hindi ako papayag, lalong lalo na ngayon na malapit na ako sa kaniya. Na kaya ko na siyang kausapin ng malapitan.
Matagal ko ng pangarap na dumating ang araw na malalapitan ko na naman siya at makakausap. At ngayon, kayang kaya ko ng gawin yun, natupad na ang matagal ko ng pangarap at sobra pa ata dun.
Ayaw ko ng mapalayo pa kay Waju. Gusto ko nalang manatili lagi sa tabi niya, damayan siya kung pag may problema siya. Patawanin siya kapag malungkot siya. Punasan ang mga luha niya kapag iiyak siya.
Gusto ko rin siyang makasama sa oras na masaya siya. Gusto ko siyang saluhan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya.
Pero ang problema lang sakin kahit alam kong ang manhid niya, wala pa rin akong balak umamin. Siguro, gaya ng paulit ulit kong sinasabi, baka hindi pa ngayon ang ang tamang panahon. Sabi ni Mama, may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Huwag kang magmadali, dahil kapag minadali mo ang isang bahay masasaktan ka lang. At natatakot ako na baka kapag umamin ako... masira ko ito lahat. Nagsisimula pa lang ako. I'm starting to get my way through him... ayaw kong masira ito para lang sa pag-amin ko na wala namang kasiguraduhan kung tatanggapin niya ba. Not now that I feel like there's something wrong...
Kaya hanggang ngayon 'right time' pa rin ang hinihintay ko. Hindi ko alam kung kailan 'yun, pero willing akong maghintay. Para sa taong matagal ko ng pangarap, matagal ng laman ng panaginip at pantasya ko, para sa taong matagal ko ng minahal ng patago mula bata pa ako. Para kay Jude Warren Chua, kaya kong maghintay, even if it takes forever.
Because he's my puppy love that turned into my true love.
![](https://img.wattpad.com/cover/35306223-288-k95122.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...