Kabanata 10
Classmates
Nagising ako kinabukasan ng sobrang late! Grabe, anong oras na ba ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa mga ala alang nakalipas. Matapos kong gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako to eat my breakfast.
Tiningnan na lang ako nina Mama at Papa dahil sa pagmamadali ko. Alangan naman magdahan dahan pa ako, e malalate na ako. Huhu.
"Ma, Pa. Alis na po ako." As I kissed them on the cheeks.
"Mag-iingat ka."
"Opo!"
Sumakay lang ako, ayoko ng tumakbo na naman, baka sabihin na naman ni Bees binagyuhan na naman ang buhok ko sa sobrang gulo. Nang makarating na sa school agad na akong bumaba.
"Thank you po Manong!" At pumasok na ng school. Nakita ko na naman si Bees na naghihintay pa rin sa gate.
"Hi Bees! Sorry kung palagi na lang akong late, pinaghihintay pa kita." Tumawa naman si Bees.
"Masasanay na ako bees." As usual, stunning na naman ang bees ko sa sobrang ganda. habang naglalakad nga kami, pinagtitinginan siya lalo na ng mga kalalakihan.
"Iba talaga pag maganda. Haha!" Bulong ko kay Bees.
"Mali. Dapat, iba talaga pag magaganda." At sabay kaming tumawa. Haha! Loka talaga to kahit kelan. Kaya mahal ko tong bff ko eh. Nasasabit ako sa kagandahan niya.
Nang makarating kami ng room nakahinga kami ng maluwag ng wala pa si Sir Gomez slash Dragon. Haha. Agad na kaming umupo sa upuan namin at hinintay ang pagdating ni Sir.
"Hoy girls. Rinig niyo bang magtatransfer sa section natin ang 6 member ng basket ball team? As in omg!" Ano daw? Lilipat sila sa section namin? Bakit?
"Yeah! I heard it,"
"Bakita daw?"
"I heard it's because their new manager is in here? I'm not sure." Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabing 'yun ng classmate ko. Lilipat sila dahil nandito ako? Ano na namang kaartehan ng kalalakihang 'yun? Hindi sa ayaw kong maging classmates sila, pero arg! Mga pasaway yun e!
Atsaka hindi pa pala nila alam na ako na ang new manager ng team. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon nila. Sigurado akong magagalit sila sakin. Ipalit daw bang manager kay Kate na maganda, sexy, mayaman saka sikat sa isang hindi naman kagandahan, hindi naman kasexihan, hindi naman kayaman at hindi naman kasikatan diba?
Nakayuko lang ako ng marinig ko ang malakas na tilihan ng mga kaklase ko, mostly girls lahat. Pero nanatili pa rin akong nakayuko, bahala silang maghiwayan at magsigawan diyan. Hindi ko sila masisi kong ganyan sila e ang gagwapo naman talaga ng mga basketball players eh. Ang akin lang ngayon, kinakabahan ako sa magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang ako na ang new manager!!! Huhu!
"Bees, okay ka lang?" Hindi ako okay! Siguro pag malaman nila 'yun sasabunutan nila akong lahat, tatapunan ng mga masasamang salita. Yan naman mostly ang nangyayari kapag isang ordinaryong estudyante ka lang tapos nakukuha mo ang mga bagay na dapat sa magaganda at sikat lang.
"Oooeeemggeee! Hi papa Xinna!"
"Ang gwapo mo Circo!!!"
"Hello cute Kai!!!"
"Joe! Can I be your girlfriend for this week?!!" Sikreto naman akong napatawa dun. Play boy talaga. Tsk.
"Jack!!! Akin ka nalang!!" Isa pa yun. Haha. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya alam kong naka poker face na naman ang sungit na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/35306223-288-k95122.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...