Kabanata 58
The Girl In Palawan
Kasabay 'nun ay ang malakas na hagulgol ni Mama na nagpaalerto sakin.
Bumitaw ako ng yakap at nag-aalalang tiningnan si Mama. Kumunot ang noo ko.
"Ma? Ba't, bakit po kayo umiiyak?" Mabilis namang umiling si Mama habang marahas na pinipunasan ang pisngi.
Ngumiti siya ng tipid sakin. "W-wala anak, natouch lang si Mama sa'yo."
Tiningnan ko siya ng ilang sandali bago ngumiti na rin. Si Papa ay ngumiti rin ng tipid sakin nang tumingin ako sa kaniyang banda.
Napanguso ako. Kahit naman kasi nakangiti sila sa harap ko, I know, behind those smiles bear a lonely heart. Ngumingiti lang sila sakin para ipakita na okay lang sila. But I know that pretending.
Dahil most of the time, iyan ang ginagawa ko.
Tumawa ng konti si Mama. "Ang drama natin ngayon. By the way, gutom ka na anak? Tara, kain tayo..." tumango ako.
Naunang umalis si Mama. Nahuli naman kami ni Papa.
Tumingin ako sa kaniya. "Pa,"
"Nak," sinambayan niya ako at sabay kaming sumunod kay Mama.
"Alam ko pong hindi pa tapos ang problema niyo. Subukan niyo uling ipaliwanag kay Mr. Chua. Baka, baka po may chance pa rin."
Hinimas niya ang aking buhok saka bahagyang tumango. "Alam ko. Susubukan ko. Hindi ko hahayaang makuha niya ang kompanya natin. At... ayokong makuha niya kayong dalawa sakin."
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Kumunot ang aking noo. "Bakit-" naputol ang sasabihin ko nang nakarating na kami ng mesa.
Pinaupo ako ni Papa bago niya ulit ako nginitian ng konti. Si Mama naman ay naghahanda na ng mga plato sa mesa, habang umupo si Papa sa may main chair.
Nagsimula na kaming kumain. Ito ang kauna unahang kumain kami na binalot ng katahimikan. Dahil most of the time, nag-uusap usap naman kami.
Tiningnan kong kumain ang mga magulang ko. Napailing nalang ako. I know, they're trying to be okay in front of me. I appreciate it, pero ayoko lang sa katotohanang pag wala na ako, nagsisigawan na naman sila.
Hindi sila 'yung tipo ng mag asawa na palaging nag-aaway. Minsan ko lang sila makitang nagsisigawan sa isa't isa. Saksi ako sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Masakit lang isipin na parang bumabalik lang 'yung dati.
'Yung kinuwento ni Papa dati. 'Yung tungkol sa love triangle nila ng Papa ni Waju. At 'yung Mama naman ni Waju ay mahal si Papa.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at naunang tumayo.
Tumingin sila sakin, ngumiti ako. "Aakyat na po ako. Pagod,"
"O sige..." ani Mama. Si Papa naman ay wala ng imik.
Pumanhik na ako pataas at pumasok ng kwarto. Naghalf bath lang ako ng mabilis bago tamad na humiga ng kama.
Napapikit pa ako sa lambot nito sa aking likod. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Ang dami palang nangyari sa araw na 'to.
Mula sa nakakagulat na revelation ni Carley, ang halik ni Waju sa aking noo, ang pag-aaway ng mga magulang ko...'Yung kompanya...merging...
Bumuntong hininga ako at minulat ang mata. Ang puting kesame ang agad kong nakita.
Kelan ba magiging okay ang lahat? Kailan ba babalik ulit ang dati? Yung ayos lang. Yung kahit si bees lang ang kasama ko, ang Charity, at mga magulang ko ang meron ako ay pakiramdam kong kompleto ako. Masaya naman.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...