Kabanata 45

2.1K 48 1
                                    

Kabanata 45

De Javu

"I have," dahan-dahan akong lumingon and now face-to-face sa taong umiiwas sakin at sa taong iniiwasan ko.

"At ikaw? Anong ginagawa mo dito?" sabay-turo sakin. Pero, hindi ko na siya pinansin. Imbis ay itinuon ko kay bees ang atensiyon ko.

"Nasaan 'yung room natin? " naglakad siya sa may room na kaharap lang ng room nila sungit. Wow. Kailangan talaga sa harap pa nila? Hayy. Binuksan niya 'yung pinto at pumasok dun. Plano ko sanang hindi lang muna pumasok, pero no choice na talaga ako. Gusto ko ng maligo tsaka magpahinga muna saglit. Pagod ako sa byahe eh.

Pagkapasok ko ng pagkapasok ko ng room bumungad sakin ang malawak na silid. Sa gitna ay may queen size bed tsaka sa gilid ay may medyo malaking sofa. Ang ganda rin ng view galing sa glass window ng room namin dahil kita 'yung ganda ng Palawan.

Pumunta ako ng sofa at dun nilagay ang bag ko saka ako umupo dun. Tiningnan ko si bees na tahimik lang na inaayos ang mga dala niya. Inaamin ko, namimiss ko na ang bestfriend ko. Pero, sa pagkakakilala ko kay bees, kapag galit siya sa'yo, huwag mo siyang kausapin, dahil imbis na magkaayos kayo, baka lumala pa ang away niyo. Pero hanggang kelan kami magiging ganito?

Bigla nalang bumukas 'yung pinto at niluwa dun ang dalawang babae. 'Yung isa sa pagkakaalala ko ay kasali sa cheering squad, 'yung isa naman ay kakaklse ko.

"Dito rin ang room niyo?" tanong ko sa kanila. Inirapan lang ako 'nung babaeng kasali sa cheering squad at 'yung kaklase ko nalang ang sumagot para sa tanong ko.

"Oo. Kada room may lima o di kaya apat kayong magkaroommate." tumango naman ako. Hay. Salamat nalang at hindi lang pala dalawahan kada room. At least, may kasama kami, mababawasan ang awkwardness sa kwartong 'to.

Habang wala pang gumagamit ng shower room ay naligo muna ako pagkatapos ay plano ko munang magpahinga. Kaya ginawa ko ng comportable ang lagay ko sa sofa. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng marinig ko ang boses ng kaklase ko.

"Hindi ka ba lalabas? Magandang magsight-seeing ngayon." nakangiting alok niya sakin. Kami na lang pala ang nandito sa loob.

"Magpapahinga muna ako eh, ahm, ano palang pangalan mo?"

"I'm Seylene," tumayo naman ako ng maayos.

"Ako naman si-"

"Rose Belle, right?" putol niya sakin. Paano niya-
Parang nabasa niya ang iniisip ko kaya medyo tumawa siya.

"Ano ka baaa. You're the manager of our team kaya natural, madaming nakakakilala sa'yo.."

"Ganun?"

"Hmm." sabay tango-tango.

"Sige, mauna na ako ha? I want to wander here eh," ngumiti lang ako kay Seylene tsaka nagpaalam.

Bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Gusto ko rin namang gumala eh, kaso-

Ring...

Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan 'yung caller. Si sungit.

"Hello?"

"Do you have any plan like going out of your room?"

"Pagod ako. Gusto ko munang-"

"Open your door,"

"Anong-" bago ko pa matapos 'yung sasabihin ko ay nakarinig na ako ng katok sa may pinto. Kaya no choice na ako kundi bumangon at buksan 'yun. At pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa paningin ko ang bugnot na mukha ni sungit.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon