Kabanata 59
Assurance
"Paano ko sasabihin sayo kung araw araw, palagi mong pinamumukha sakin kung gaano mo kamahal si Carley?"
Hindi siya sumagot.
Bumuntong hininga ako.
"O, diba?" I can't hide the bitterness on my tone.
Bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "Jab...can we talk?" rinig ko ang pagkaseryoso sa boses niya.
"Naguusap na tayo," kinagat ko ang labi ko dahil nanginginig ito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako anytime. Hindi na ba nagsasawa 'tong mga mata ko sa kakaiyak?
"Hindi ganito, what I mean is, personally, Jab please..." napapikit ako sa sumamo ng boses niya.
Okay, fine. Mag uusap kami. Gusto ko ng malinaw na paliwanag. Gusto kong magkaroon na ng kasagutan ang mga tanong ko.
"Sige, kelan?"
"Tom, 9 AM sharp, I'm going to fetch you."
"E, saan naman tayo mag-uusap?" Sabado bukas.
"Basta."
"Okay, fine." Hindi na ako tumanggi pa. Bukod sa pagod na ako, gusto ko na ring matulog. It's already 10:45 PM, my God.
"Okay, good night." mahina niyang bulong sakin. But still, I heard it, and my heart went crazy again.
"Hmm," 'yun na lamang ang tanging naging sagot ko dahil nilamon na ako ng kadiliman.
"Anak?" Zzzzz...
"Hoy Rose! May bisita ka sa baba, gumising ka na!" Kinamot ko ang buhok ko dahil sa istorbo si Mama.
"Ma naman...pakisabi tulog pa ako," wala sa ulirat kong sabi.
Katahimikan ang sumunod noon. Hay. Mabuti naman at makakatulog na ako...
Not until...
"Hey," Wait, what? Hey? Teka... ang sosyal na ni Mama ah? Hini-hey na niya ako? Pero, sandali, lalaki 'yung boses e. Manly voice, gwapong gwapo, alam ko 'yun kahit hindi ko pa binubukasan ang mata ko. Alam na alam ko 'yun.
Waju.
Mabilis pa sa alas kwatrong dumilat ako at biglang bumangon. "Shit!" "Aray!" Napahawak ako sa kawawa kong noo. Shiz, mabubukulan pa ata ako e. Sinamaan ko ng tingin ang intruder na 'to.
"Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko?!" Bulyaw ko sa kaniya, pero agad din akong nakaramdam ng hiya. Naman e! Hindi pa pala ako nagsisipilyo pero may gana na akong manigaw, nakakapollute tuloy ako ng hangin.
Samantalang ang abnong 'to, akala mo, pupuntang lamay-este, business meeting kung makaporma e. Hindi naman siya naka tux, white T shirt lang na kitang kita ang hulma ng makisig niyang katawan, from his biceps...up to his abs...wait, jusko! Pinagnanasahan ko ba ang lalaking 'to?
Weh? Parang hindi ka naman sanay niyan ah?
"Don't stare at me too much, I know I'm hot." Napangiwi ako ng bongga dahil sa mahangin niyang hirit.
Bumangon na ako. "Tse! At saan mo nakuha ang kayabangan mo Mr. Chua?" Mataray kong utas. Narinig ko ang nakakalaglag panty niyang halakhak. Jusme.
"Ang taray mo Ms. Lantigo. PMS?" Awtomatikong binato ko sa kaniya ang hawak kong unan. Nakakainis lang dahil ang bilis niyang kumilos at sinalo lang 'to. Hmp!
Captain ball 'to dre, baka nakakalimutan mo Belle?
"Bahala ka nga dyan!" Nagmartsa na ako papasok ng banyo nang marinig ko muli ang nanunuya niyang tawa.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...