Kabanata 11

2K 43 2
                                    


Kabanata 11

Partner

        Ang mga kaklase ko mga lasing pa ata dahil sa paglipat ng half members ng basketball team sa klase namin, at panay ang tingin dito sa part namin. 

Hindi na rin ako nila binash dahil nga sa favor na hiningi ni Waju sa kanila, at nagpapasalamat ako kay Waju niyan.

Pumunta na si Sir sa harap at nagbigay ng ilang assignments samin and yah! Recess na! Two hours kasi ang English namin. 

Pupunta na sana kami ni Bees ng canteen ng tawagin kami ni Kai. 

"Manager! Samin ka na lang sumabay! Sama mo na si Carley," nagkatinginan naman kami ni Bees at pumayag na lang kami afterwards. 

Matapos naming bumili ng makakain dumeretso na kami ng gym. Agad ko namang nakita ang team na nag-ssnack na rin habang ang iba ay naglalaro. 

"Yow Manager! Namiss ka namin." Natawa naman ako sa sinabi ni Kent. 

"Nagkikta pa lang tayo kahapon ah." Unti unti nagiging komportable na rin ako sa team, hindi naman kasi sila mahirap pakisamahan. Lumapit naman si Ejay samin at nakapout pa. Haha!

"Nakakinis nga manager, dapat kasama kami sa pagtransfer sa section niyo. Si captain kasi, ayaw." Tumingin naman ako kay Waju, pero busy siya sa pagkain.

"Huwag na kayong lumipat sa class namin. Maawa naman kayo sa mga kaklase ko, nalagutan na nga nung anim palang, tas sasama pa kayo? Edi natuluyan na." Tumawa naman ng malaks sina Carl, Ray, Jason, Kent at James dahil sa sinabi ko. Si Ejay naman nagkakamot pa sa ulo. 

"Anong nalagutan?" Tumawa na lang kami. Halatang wala siyang naintindihan. Kawawang maknae, inosente. Katulad ko. Char. 

"Tama ng dada, kumain ka na Bella, magtatime na." Nagulat naman ako dahil sa sinabing yun ni Jack. Like seriuosly? Bakit Bella? Ang Charity Family lang ang tumatawag sakin niyan ah.Pero, imbis na magtanong kumain na lang ako, alam ko namang hindi ako sasagutin ng matino ng isang yan, saka magtatatime narin naman kasi. 

Nang matapos na kaming lahat, sabay sabay na kaming lumabas ng gym dahil nag bell na rin kasi. Pinagtitinginan naman silang lahat ng mga estudyante, 'yung iba ,masama ang tingin samin ni Bees, pero alam ko namang hanggang titig lang sila. Kaya magsawa silang tumitig sa pangit kong mukha!

MAPEH nga pala ang next subject namin. Una na kaming pumasok ni Bees, at sumunod naman 'yung anim. As usual sigawan na naman silang lahat ng pumasok na sila. Tumahimik lang sila ng dumating na si Ms. Dy. Bata pa si Maa'm Dy, mga 23 ata siya e, atsaka maganda siya, at , mabait siyempre. Ng pumunta si Maa'm sa harapan narinig ko naman ang pagsipol ni Joe sa likod. Liningon ko naman siya at pinandilatan ng mata kaya ayun tumahimik. Napakababaero talaga.

"Okay, good morning class." 

"Good morning Ms. Dy." We said in chorus.

"Now, I want you to find a partner couz I will give you an activity that will serves as your project as well." Lahat na sila nakahap na ng partner. Tiningnan ko namn si Bees.

"Bees partner tayo."

"Sorry bees, partner na kasi kami ni Jack." Anla? Ipgapalit daw ba ako? I hate you bees. Tiningnan ko naman si Xinna, may pair na siya si Joe. Si Circo naman may pares na si Kai.  Nagsama ang makulit at tahimik. Patay ka Kai, may kasama kang silencer.

Tumingin naman ako sa katabi ko, katabi ko si Waju sa kanan ngayon sa MAPEH.  Wala na akong choice...

"May partner ka na?" At sabay pa talaga kami. 

"Tayo na lang." Sabay na anamn naming sabi tapos natawa na lang kami pareho. Kinilig ako lola niyo. Mehehe. Ohmy! Partner ko si Waju ng buhay ko.  Kung sineswerte ka nga naman.

"Okay, are all already have a partner?" Tumango naman kaming lahat.

"Good. So you're project will be, you will perform a song here in front. With instrument, you can have your partner the singer and you will be the instrumentalist or vice versa. Is that clear?" Waah! Magpeperform kami? Seryoso? Naku, wala pa naman akong talent. Huhu. 

Tumango naman ang mga kaklase ko.

"This will be perform next week. I will dismiss you early, good bye class."

"Good bye and thank you Miss Dy." Lumabas na kami ng classroom. Walang ng klase ngayon, mamaya pang hapon kaya kinausap ko si bees.

"Bees, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko, yung anim naman nasa likod lang namin.

"I'm sorry bees, ngayon na kasi kami maguusap ni Jack about dun sa presentation eh." Ngayon agad? 

"Ah okay, sige magiingat ka." Tumawa naman siya.

"Grabe ka naman bees, parang sinabi mo na rin na delikado si Jack." Parang narinig ata ni Jack ang sinabi ni Bees kaya sinamaan niya ako ng tingin, kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Di ako papatalo sayo Xyrel Jack Aragon. Akala mo ah. Siya 'yung unang nagbawi ng tingin kaya panalo ako! Yiheey!

Umalis na sila bees atsaka Jack, sakto namng pagdating ang isa pang anim, sina Carl. As usual nangulit na naman sila sakin, mga pasaway talaga ang anim na 'to.

"Wala ba kayong practice ngayon?" 

"Wala. Pahinga muna daw kahit ngayong araw lang. Magaling na rin naman kami." Tama, magaling na nga sila. Pero, kailangan pa rin nilang magensayo noh. Ang tao kahit gaano kagaling, kung hindi marunong magensayo, talo pa rin. Couz I believe in the saying "Practice makes perfect."

"O sige, kayo na magaling." Tumawa na lang sila. Hinila naman ako ni Waju palayo sa kanila. 

"Bakit?" 

"Wala lang. haha!" Binatukan ko nga.

"Hinila hila mo ako dito tapos wala ka palang sasabihin?" Abno talaga 'to. Pero mahal ko yan, huwag kayo.

"Wala, may itatanong lang ako." Bigla naman siyang nagseryoso. Umupo na rin ako sa bench na inuupuan niya. Nandito pala kami sa Circle of Friends.

"Ano naman 'yun?" Tumingin naman siya sakin at sa paraan ng pagtingin niya medyo kinabahan ako. Ano kayang itatanong ng abnong ito?

"Ano k-kasi--" Waah! Totoo ba 'to? Ang captain ng sikat n basketball team ay nauutal sa harapan ko?  Ang cute niya..Pinipigilan ko namang huwag matawa sa kaniya, kasi alam kong maasar na naman ito sakin.

"What?" Taas kilay kong tanong kahit natatawa ako. Hindi pa rin siya makatingin sakin kaya hindi ko na mapigilan ang tawa ko.

"Hahaha!" Tiningnan niya naman ako ng parang naasar siya, sabi ko sa inyo maasar siya e. Haha!

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Parang batang naiinis siya sa itsura niya ngayon.  Ang sarap asarin ng lalaking 'to. 

"Wala. Hmpff." Pinipilit ko ng huwag tumawa dahil baka ako na ang ishoot nito mamaya sa ring eh.

"Okay. Ano ba kasing sasabihin mo? Aalis na ak--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita na siya.

"May b-boyfreind na ba si Carley?" 

A-ano daw? Parang nabingi ako dun ah. Tinatanong niya kung may boyfriend na si Bees? Bakit? Ewan ko, natatakot akong tanungin siya kung bakit niya yun tinatanong kung tutuusin hindi naman sila ganun ka close ni bees. Ni hindi ko pa nga sila nakikitang nagusap simula nung ipakilala ko sila sa isat-isa dun sa mall. 

Hinarap ko naman siya. 

"A-anong sabi mo?" Hindi pa rin siya makatingin sakin at nakita kong namumula ang tenga niya. 

"Aish! H-huwag mo nang ipaulit! Tinanong na kita!" Kung iba lang sana ang tanong niya natawa na ako sa reaksiyon niya ngayon. Para kasi siyang tuta na hiyang hiya. Pero hindi ko magawang tumawa. 

"Tatanungin ba kita kung narinig ko diba? Uso ang common sense Waju." Sinabi ko lang yun na parang walang epekto sakin ang sinabi niya. Wala yan, gusto niya lang tanungin kung may bf na ba si bees. Wala naman siyang ibang dahilan diba? Sabihin niyong wala...

"Hayaan mo na nga. Wala yun, sige tara, malling tayo bestfriend." At hinila na niya ako papasok ng kotse niya.

What the H is happening?

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon