Kabanata 30

2.1K 45 4
                                    

Kabanata 30

It's Official

Bakit kahit ilang beses ka ng nasaktan sa isang tao, ay ayaw mo pa ring mapagod at matutong sumuko?

Bakit, kahit sinasampal na sa'yo ang masakit na katotohanan ay pinipilit mo pa ring ayaw maniwala? Kahit pinipilit na ng kokote mong ipaunawa sayo ng mga bagay, ay ayaw mo pa ring tanggapin?

Bakit may mga taong grabe ang katangahan at kamartyran tulad ko?

Bakit kahit anong gawin ko, nasasaktan pa rin ako?

Matapos kasi ang plano kong set-up date para sa dalawa, nalaman ko rin kinabukasan na... na sila na pala.

Expected ko namang mangyayari yun, pero bakit ganun pa rin ang epekto? Doble dobleng sakit.

Isang linggo.

Isang linggo na ang lumipas matapos nilang ipamalita na it's official , na sila na talaga. Kahit sa Facebook, in relationship na ang dalawa. At sa campus, sila ang trending topic: Na kesyo, may bago ng girlfriend ang Prince nila. Na sana, huwag na nitong saktan si Waju.

At ako?

Ito.

Siyempre kahit masakit, masaya rin ako para sa kanila. Walang halong kaplastikan o pamimilit. Masaya talaga ako para sa kanila. Gaya ng sabi ko, kung may babae mang gusto ko para kay Waju, maliban sakin---gusto ko si bees yun. At kontento na ako dun.

Sa loob ng isang linggo, sa kanila umiikot ang buong istorya sa campus. At sa loob ng isang linggong yun, ako naman, nagpapagaling ng sugat.

Umiiwas sa kanila, ng hindi nila nahahalata. Nalaman rin nila na ako ang nagplano ng set-up na yun, at grabeng pasasalamat nila sakin---lalo na si Waju. Yun naman kasi ang favor na hinihingi niya eh, at dahil mahal ko siya, ginawa ko.

Napangiti ako ng mapait, well, at least, masaya na siya.. Masaya na silang dalawa.

Sabado nga pala ngayon, at andito ako sa park, nakaupo sa swing at nag-eemote. Marami rami ring tao ngayon sa park, mostly mga bata, naglalaro ng habul-habulan.

Napako naman ang tingin ko dun sa batang babaeng tumatakbo at suddenly napatid siya kaya ayun nadapa siya. Tatayo na sana ako para tulungan 'yung bata, pero may lumapit na sa kaniya, yaya niya ata. Tinutulungan siyang tumayo ng yaya niya pero hindi pa rin siya gumagalaw, nanatili lang siyang nakahiga dun sa sahig. Nag-aalala na 'yung yaya niya sa kaniya, kung bakit hindi siya kumikibo, pero maya-maya ay tumingala 'yung batang babae sa yaya niya at kahit may tumulong luha sa mga mata niya, she manage to smile at her yaya.

"Don't worry tita, I'm okay. I'm a brave girl, you know." At pinahid niya ang mga luha niya sa pisngi niya at tumayong mag-isa.

Hindi sila malayo sakin, kaya kita ko na may sugat ang batang babae sa tuhod niya. Nagmamadali naman siyang kinarga ng yay--este tita niya pala, nakapangyaya attire kasi siya eh, at mga nasa 19 palang siguro itong tita niya, in fairness, maganda siya, maputi at mahaba ang straight niyang itim na buhok na naka-ponytail, meron siyang tamang-laki ng mga mata, matatangos na ilong, at maninipis at pinky na labi. She's gorgeous. Wala pa ata sa kalingkingan niya ang mukha ko.

Habang kinakarga niya 'yung batang babae, patungo ata sila sa katabi kong swing, ay nagpupumiglas ito.

"Tita! Put me down! I can manage!" Pero, hindi siya pinapansin ng tita niya. Ipinaupo niya ito sa swing na katabi nung akin, at kumuha ang yaya niya ng small medical kit sa loob ng bag niya. Kinuha niya doon ang konting piraso ng bulak at nilagyan ito ng isang patak ng betadine at ipinahid sa sugat ng batang babae, she's in 4 or 5 ang edad, ata. Habang pinapahiran ang sugat niya sa tuhod, kita ko ang pagguhit ng hapdi sa mukha niya pero hindi man lang siya umiyak, siguro ay dahil alam niyang kailangan ng hapdi para mas gumaling ang sugat mo.

Napaisip tuloy ako.

The more you hurt, the more your wound would be heal. Minsan, kailangan mo pang mas masaktan, para mas madaling humilom yung sugat. Katulad na lang ng paglalagay ng alcohol sa sugat mo, kasi kung matatakot kang makaramdam ng hapdi at sakit at matakot na maglagay ng alcohol, baka maimpeksiyon ang sugat mo at mas lumala pa. Kaya habang mas maaga, kailangan mong indain 'yung panandaliang sakit para mas maiwasan ang masaktan ng matagal.

"Ayan. Ayos na ang sugat mo, gusto mo pa bang maglaro o umuwi na tayo?" Tumingin ako doon sa tita niya at doon naman sa batang babae. Nagpout 'yung batang babae and stomped her foot.

"No! I want to play more, Tita Dressa!"

"Pero, may sugat ka na, baby Craziel. Baka madagdagan pa ang--"

"I don't care! And please, don't call me baby, Tita. I'm not a baby anymore, can't you see, I'm already a maiden!" She exclaimed. Hindi ko maiwasang mapangiti doon sa bata, ganun rin kasi ako noon eh, kahit seven palang ako, iniisip ko na nun na dalaga na ako.

"Okay. Okay, bab--I mean, Craziel." Ngumiti si Craziel ng malapad.

"That's better!" Hindi ko na napigilan at natawa na ako. Itong bata kasi, kung makapagsalita siya para na siyang matanda. At straight English pa! Dudugo ata ang ilong ko pag ako ang kausap ng batang to.

At mali ata ang ginawa ko, kasi dahil sa pagtawa ko, napatingin sila sa direksiyon ko. Yung bata, si Craziel, nakataas ang kilay sakin at yung babaeng maganda naman, ang Tita Dressa niya, nakangiti siyang tumingin sakin.

Maganda na, mabait pa. Saan ka pa?
Naconcious naman ako sa pagtitig nila sakin, kaya ngumiti ako ng alanganin sa kanila.

"Ah, ehm, I'm sorry. Natuwa lang kasi ako kay Craziel." At sa sinabi kong 'yun, mas lalo pang tumaas ang kilay ng batang ito at sa tingin ko aabot ng Mt. Everest sa sobrang taas.

Grabeng bata ito! Ang taray!

"Do I know you?" Mataray niyang tanong. Pinandilatan naman siya ng mata ng tita Dressa niya as if giving her a warning. Pero, imbis na matakot, kumunot lang ang noo niya.

"What?" Craziel's snapped. Ngumiti naman sakin yung babae na parang humihingi ng sorry sakin, ngumiti lang din ako sa kaniya, ibig sabihin okay lang.

"Craziel, you can play again. But not too far from tita, understand?" Para namang naenergize 'yung bata at nakalimutan na ang magtaray habang patalon-talon siyang tumakbo para maglaro.

Umupo naman si Dressa sa swing at nakangiting hinarap ako.

"Hi. I'm Aldressa Maia Veñez, ikaw?" Mukha naman siyang friendly.

"Rose Belle Lantigo." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Rose Belle? Hmm, nice name." Namula naman ako dun sa sinabi niya. Pero, nagpasalamat nalang ako.

"Ah, eh, salamat. Ang ganda rin ng pangalan mo, Aldressa Maia? Alma, Alma nickname mo?" Tanong ko. She froze.

Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali, pero sa tingin ko, nakatama ako ng sensetibong parte.

"Ahm, I--- I'm sorry, kung may nasabi man--" Pinutol niya naman ako and manage to smile at me.

"No. Ayos lang Rose. Sige, uhm, alis na ako. Nice to meet you. See you when I see you." Saka ito umalis nang hindi na lumilingon pa, papunta sa batang kasama niya.

Tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad na sila papaalis kasama ni Craziel.

May naisip naman ako. That girl...
Yung babaeng yun.. She's... Uhm, something.

Nang mapagod na ako sa kakaupo, tumayo na ako at umalis ng swing.

Papalabas na sana ako ng swing ng makita ko sila...

Magkahawak ng kamay, habang masayang nag-uusap, at naglalakad patungong...

Patungong direksiyon ko.

Sh1t. Bakit ngayon pa?

***

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon