Kabanata 69

2.2K 41 7
                                    


Kabanata 69

Listen To Me

Pansin niyo bang paulit ulit nalang ang eksenang 'to? Yung masasaktan ako...tas mag eexplain si Waju.

Pero, alam niyo bang nakakapagod na?

Ilang beses na ba akong nasaktan ni Waju? Hindi ko na alam. Hindi ko na mabilang. Para kasing paulit ulit nalang...

Nakakasawa...

Pero alam niyo 'yung unfair? Kasi nandito pa rin ako... Nananatili kahit sobrang ang sakit na. Shet naman! Ganito na ba talaga ako kamasokista? Kamartyr? Na kahit sobrang pagod na ako ay nanatili pa rin?

Tell me. Tama pa ba itong ginagawa ko?

"Jab..." Hinawakan ni Waju ang kamay ko. Hinanap niya ang mga mata ko.

Kami nalang pala ang nasa labas. Wala na pala si Faith. Pati 'yung team, kanina pa umalis.

Narinig ko ang pagtunog ng langit. Ang bibigat na ata ng mga ulap. Mukhang hindi na nila kaya ang dinadala kaya bibitiwan na nila. Ako kaya? Kelan ko mabibitawan si Waju? Pakituro sakin, please. Yan ang hinding hindi ko matutunan e.

Mukhang mahirap at masakit.

"I'm sorry..."

Tinitigan ko sa mga mata si Waju. Nakalarawan doon ang pagod at sakit. Sabihin mo Waju, ako ba ang dahilan niyan? Ako ba ang dahilan kung bakit ka napapagod? Nasasaktan?

Do you want me to let you go? Kasi, sa tingin ko isang salita mo lang, bibitawan na talaga kita. Masyado na 'tong mahirap para satin e. Tayo tayo lang din ang nahihirapan.

"Waju...paulit ulit nalang." Nasabi ko rin, eventually.

Muling kumulog. Unti unti na ring dumidilim ang kalangitan. Mabuti nga kung uulan, para matakpan 'yung mga luhang nakaantabay nang lumabas sa mga mata ko. Kanina pa.

"Jab, don't..." Ani Waju nong sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Halata sa boses niya 'yung takot. Kasi pati 'yung mga mata niya yun ang sinasabi.

Kinagat ko ang labi ko para iwasan ang humikbi. Ang sakit niyang tingnan. Parang dahan dahan na namang pinupuntirya ang puso ko.

"Waju, pagod na ako..." Tumulo na ang mainit na likidong kanina pa hawak hawak ng mga mata ko. Hindi ko na yata nakayanan. Pero, kasabay nun ay ang mismong pagbuhos ng ulan. Unti unti nitong binabasa ang tuyong lupa. Pati kami...

Gandang moment. Tsk.

"Jab naman. Wag kang ganyan..." Si Waju sa isang paos na boses.

Unti unti na siyang nababasa. Yung buhok niyang medyo magulo ay sumisipsip na ng tubig ulan na mas lalo lamang nagpagulo dito. Ang unfair...mas lalo lang siyang nagiging gwapo sa paningin ko.

Ako kaya?

"Jab, 'yung engagement..." Napabaling ako kay Waju dahil sa pagbanggit niya nong salitang 'yun.

Naramdaman ko pa ang pagtambol ng puso ko. Excited? Or, nervous?

Tinitigan ako ni Waju sa mga mata. Lumunok ito bago nagsalita. "Yung engagement, I won't deny it. It was...true."

O...okay. May kutsilyo ata sa dibdib ko. Pakitanggal, please... Masakit e.

"What Faith had told you earlier were true. My family and her family had that kind of agreement. And since from the very start, I'm against it. Until now. Pero mukhang hindi nila ako pinakikinggan..." Umiling iling pa siya.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon