Kabanata 48
My Temporary Family
*Click*
*Flash!*
"Ang saya ng mag-ina ko." mas lalong lumakas ang tambol ng puso ko dahil sa isang taong nakangiti habang papalapit sa direksiyon namin.
"Kuya Jude!" gulat na sabi ni Angel.
Ako naman. Parang nabato na lang sa kinatatayuan ko.
Paano...? Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na nandito kami? Bakit?
Okay. Ang OA ko na.
"Ate Bella, andito si Kuya Jude!" halatang masayang-masaya si Angel. Okay, hindi ko na rin maitatanggi, masaya talaga ako at nandito siya. Pero hindi ko lang maiwasang mag-alala baka maging dahilan na naman ito ng gulo sa pagitan naming tatlo.
At sa dami ng sasabihin ko sa kaniya, iba ang lumabas sa bibig ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tumingin muna siya sakin saka ngumiti.
"Kailangan ako ni Angel eh. Diba Angel?" lumapit siya samin at huminto sa mismong harap ni Angel. Lumuhod siya para magkalevel sila habang ako ay mukha pa ring tanga at hindi makapaniwala na andito nga siya. Nakita ko naman ang masiglang pagtango ni Angel pero huminto din agad dahil parang nahilo siya.
"Okay ka lang Angel?" nag-aalala niyang tanong dito.
"Hm." tango lang ni Angel.
Tumayo na rin si Waju at lumapit ng direksiyon ko. Andito nga kasi ako sa likod ng wheelchair ni Angel at ako ang nagtutulak sa kaniya. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nandito siya ngayon.
"Ako na ang magtutulak sa kaniya, Jabelle." napabalikwas pa ako ng magsagi ang mga kamay namin. Sheez. Nakuryente ako..
"Ahh-okay," tense kong sabi at bahagyang lumayo sa kaniya. Ngumiti naman siya sakin ng tipid saka nagsimulang itulak si Angel. I closely followed.
"Ouch!" react ko ng bigla nalang huminto si Waju. Paano ba naman, nabangga ako sa likod niya.
"S-sorry,"
"Okay lang," err. Ba't parang pakiramdam ko ang...ang awkward ng atmosphere?
"A-ano.. Hawakan mo ang cam at dun ka sa unahan Jabelle. Take us a picture," ayy. Ginawa akong photographer? Pero hindi nalang ako umangal at kinuha nalang ang camera sa kaniya at naglakad na ako sa unahan nila.
"Okay..Angel tingin ka sa camera baby, kukunan ko kayo ng picture. Dali," sinunod niya naman ang sinabi ko at ngumiti ng malapad sa cam, pati na rin si Waju.
"Okay. Say cheese!" and then, *click!*
Nagthumbs up naman ako sa kanila. "Ayos!"
Nagpatuloy na kami sa pamamasyal, ayos naman eh, masaya, ang dami kasing tinuturo ni Angel habang halata sa mukha niya ang saya. Yun lang naman ang pinakagusto ko para sa kaniya.
"Look! Ang ganda 'nung Angel!" "Waah! Ang laki po ng Christmas tree!" "Ang ganda po ng house! Ang daming stars!"
Ilan lang 'yun sa mga pinagsasabi ni Angel. Ang saya niyang tingnan, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
Tiningnan ko si Waju, nakangiti rin siya habang paminsan-minsan, ipinapaliwanag niya ang mga tinuturong hindi alam ni Angel.
Ang saya nilang tingnan. Para silang mag-ama-
"Ang saya ng mag-ina ko." nag-echo naman ang sinabi kanina ni Waju na hindi ko na gaanong naisip dahil sa gulat ko na andito siya.
Wait.. Kinikilala niya na..pamilya kami?
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...