Kabanata 44

2K 37 0
                                    

Kabanata 44

Outing



It's Christmas season na. At damang-dama ko na ang lamig ng simoy ng hangin.

Andito nga pala ako sa kwarto ko ang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko para sa Christmas Outing ng school. Oo, mag-aaout of town kami, at mga three days kami doon.

"Anak, mag-iingat ka dun. Okay? Atsaka, huwag ka masyadong lumayo pag nasa dagat ka na. At magbebehave ka-" hinarap ko naman si Mama.

"Mama, relax po.. Kaya ko na po ang sarili, huwag kayong mag-aalala." bumuntong hininga naman si Mama saka dahan-dahang tumango.

"Ayoko lang namang maulit 'yung dating nangyari sa Palawan noon." nag-aalalang sabi ni Mama. Niyakap ko naman siya.

"Magiging ayos lang po ako ma," pagsusure ko sa kaniya.

Tama, sa Palawan ang pupuntahan namin. Ang lugar kung saan ko siya unang nakita. At lugar na naging dahilan para matakot ako sa tubig.

"Sige na po Ma, mauna na po ako." dala ko na ang bag ko at bumaba na ako.

"Mag-enjoy ka dun anak,"

"Opo,"

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Ala-sais na ng umaga, sabi kasi na dapat maaga kaming pumunta ng school para maaga din kaming makaalis. Bumaba na ako ng sinakyan ko ng makarating na ako ng school.

Pagkapasok ko ng gate, nagkakalat na mga estudyante agad ang nakita ko. Lahat sila ay mukhang excited sa outing na ito. Ako? Hindi ako sigurado. Excited ba o hindi.

"Manager!" hinanap ko kung sino ang tumatawag sakin. At sa harap ko, nakita ko si Joe na naglalakad papunta sakin na may akbay na dalawang babae.

Nang makalapit na sila samin ay tinanong ko naman siya.

"May kailangan ka Joe?" nasisilaw ako sa dalawang babaeng naka-akbay sa kaniya, nakangiti naman sila sakin, ang ikinangingiwi ko lang ay, halos lumuwa na ang cleavage nila at makita ang panty nila dahil sa ikli ng mga suot nila. Susmaria purisma!

Ngumiti si Joe sakin saka ako kinindatan.

"Ang sabi ni Jack, sa bus ka nalang daw namin sumakay." ang tigas talaga ng ulo niya. Kagabi pa kasi siya nangungulit na sa bus nalang ng team ako sumakay, pero ayaw ko eh! Nandun kaya siya! At hindi pa ako ready para harapin siya! At pag sinabi kong hindi pa ako ready, it means galit pa rin ako sa kaniya. Himala nga at hindi ko siya hinahanap-hanap sa ngayon kahit na...

na...

Sige na nga sabihin na natin. Na namimiss ko siya! Oo, ako na ata ang malas na nakakuha ng pinakatangang puso na naproduce sa whole universe. Na kahit alam na alam niyang sinaktan, niloko, pinaglaruan at ginamit na siya ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagmamahal sa manggagamit at abnong 'yun.

"Sabihin mong hindi na. Sa bus nalang ng classmates natin ako sasabay. Pakisabi Joe, salamat." pagkasabi ko 'nun ay tumalikod na ako papunta sa bus ng section namin. Espesyal kasi ang team kaya may sarili rin silang bus, at kasali na dun ang cheering squad. At malamang magkasama dun si bees at si-

Asdfghjkl! Bakit ko ba sila, I mean siya iniisip?! Bahala siya sa buhay niya! Eh kung ayaw niya pala sa babaeng bestfriend bakit niya pa ako inalok?!

Ay, oo nga pala. Dahil ginamit lang pala ako. Ginawa akong tulay sa hindi ko alam na paraan. Napaisip tuloy ako. Kung sa una palang ay balak na niya akong gamitin, bakit pa siya humingi sakin ng favor na tulungan siya kay bees? Para hindi talaga ako magsuspect na sa una palang ay plano na niya akong gamitin? At ayos lang na humingi siya dahil bestfriend niya ako? Sige lang...

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon