Kabanata 51

2.1K 37 6
                                    

Kabanata 51

Red Roses and Balloons


“Happy Valentines bhabe!”

“Flowers for you,”

“Para sakin ba’tong chocolate? Wow! Thank you!”

Ilan lamang ‘yan sa mga pag-uusap na naririnig ko ngayon sa campus. Kanina pa nga ako naririndi eh. Oo na! Ako na ang bitter! Wala eh.

“Ikaw Joe, anong plano mo ngayon? ” rinig kong tanong ni Xinna kay Joe. Andito nga pala kami ngayon sa gym. Wala lang, tumatambay. Mga 3 o’clock na rin kasi ng hapon, tapos wala pa kaming klase. Actually, ako lang at si Joe, Xinna, James, Ejay tsaka si Ray ‘yung nandito. Ewan ko nalang sa iba.

Ayoko mang isipin, pero siguro nagdadate na ‘yung dalawang ‘yun. If you know what I mean.

“The same lang, siyempre.” sagot naman ni Joe habang pinapaikot-ikot ang bola sa daliri niya.

“Oh Joe, bakit nakatambay ka ngayon dito? Diba dapat ito na ‘yung chance mo para makahunt?” tanong ko. Eh kasi naman, nakakapagtaka lang talaga at nakatambay ‘to ngayon dito.

Ngumisi naman siya sakin. “Hindi ako ang nanghahunt M. Sa gwapo kong ‘to? Ha! Sila ang manghahunt sakin.” pagmamayabang pa niya.

“Confident much ha.” tinaasan niya naman ako ng kilay. “Wala kang bilib sakin M? Watch me.” at ngumisi pa siya sakin.

Sure enough, magsasalita pa sana ako nang may bigla nalang matinis na boses ang umalingawngaw sa buong gym. Ewan ko kung matatawa ako o ano eh. Pati nga ‘yung team nagulat pa.

“Joe babe!” sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. At ayun, nakita ko ang isa sa mga Candy Girls na madalas umaway sakin. Siya si Max, short for Maxxyn. Hindi ko alam kung mandidiri ako sa suot niya o magagandahan. Nakared hangging shirt kasi siya at kita na ‘yung pusod niya atsaka red skirt na halos makita na ang panty niya, with matching red high stiletto pa ‘yan ha. Atsaka naka red headband pa at red thick lipstick! Grabe, kulang nalang ng tali at pwede na siyang maging display sa pintuan namin!

“Oh, hi Mexx!” pachicks namang tawag ni Joe sabay lapit kay Maxx. Gusto kong matawa sa sinabi niya, Mexx daw?

Maarte naman siyang pinalo sa braso ni Mexx—este Maxxyn. “It’s Maxx! Not Mexx, babe.” at nagpout pa!

“Ow, I’m sorry babe, yeah Maxx.”

Tinignan ko naman sina Xinna, pero may kaniya kaniya na silang buhay. It was when nagpaalam na si Joe samin. “Bye guys! I’m just gonna go out with this dazzling lady.” at kumindat pa siya sakin. Umiling lang ako.

“Geh lumayas ka na! Kanina pa ako nauumay dyan sa kasama mo,” pahabol ni James. Tumawa naman kami. Loko eh, mabuti sana kung di na nila narinig pa.

Nang makaalis na ‘yung dalawa ay hinarap ko naman ‘tong mga natitira. “Oh kayo? Wala ba kayong mga date?” nakakapagtaka ah! Ang gagwapo at sikat nila, malamang basketball players tapos walang mag-aaya?

“Mamaya pa ang date namin ni Mel,” sagot ni Ray. Samantalang naghikab lang si Xinna.

Napatingin naman ako kay Ejay at James na tumayo na. “Aalis  na kami, ang boring dito.” sabi ni James at inayos ang damit niyang suot na bagay sa kaniya dahil sa sobrang gwapo niya.

“Oo nga, tara,” segunda naman ni Ray. Bago sila lumabas ng gym ay lumingon muna sila samin ni Xinna, at kumaway.

Kami nalang palang dalawa ang natitira ngayon sa gym. Tiningnan ko naman siya ngayong pinapaikot-ikot 'yung bola sa kaniyang daliri. Seryoso lang siyang nakatingin dito.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon