This is a special chapter.
Kabanata 26
A Favor
WAJU
Nakita ko lahat.
Nandito kami ngayon ni Carley sa Park dahil sinabi niyang may concert daw ang favorite kpop idol nila ni Jabelle. At yun nga, napanood namin ang mga nangyari.
Hindi ko maiwasang humanga kay Jabelle, she's a great drummer. Pareho silang magaling ni Carley, but honestly, mas magaling si Jabelle, hindi ko yun matatanggi.
Nakangiti rin si Carley nung mapanood niya ang performance ni Jabelle, pero, bakit pakiramdam ko may ibang kahulugan ang ngiting yun. Oh sh*t, why I'm thinking this way towards her?
"Nakakainggit si Bees, nakaharap niya tuloy si Minho oppa." Nakapout niyang sabi, napatawa naman ako at inakbayan siya. Kahit kinakabahan ako na baka alisin niya, but I felt better when she didn't.
"Tara, puntahan natin sila?" Tiningnan niya naman ako using her unbelievable eyes.
"Seriously Warren? Hahanapin natin sila sa ganito kadaming tao?" F*ck. Oo nga noh? Ang bobo mo Warren. Minus point yun, langya.
"Aah--nagsasuggest lang naman.." Napakamot nalang ako sa batok ko, tangina, nakakahiya yun. Parang sinasabi niyang ang stupid ko.
"It's okay. We'll just wait here, makikita rin natin--oh there!" Tiningnan ko ang tinuturo niya.
Nakita ko naman sila..Hugging each other.
Tiningnan ko naman si Carley, pati rin siya gulat na gulat, pati rin naman ako. Akala ko kasi magagalit siya kay Xyrel. Oh well, ano bang pakialam ko?
Hinawakan ko ang kamay ni Carley at hinila siya papunta kina Jabelle.
"Ehem." Nagpeke ako ng ubo at parang nagulat naman si Jabelle kaya bigla siyang napahiwalay sa yakap, but Xyrel didn't react at all. Sanay na ako dyan, magaling siyang magtago ng emosyon.
Humarap naman samin si Jabelle na parang namumula. Nahihiya ata at nakita namin silang magkayakap, hindi pa nga siya makatingin ng deretso sakin.
"Ang g-galing mo bees!" Bumitaw sa hawak ko si Carley at yinakap niya si Jabelle, nagyakapan naman sila, pambihira.
"Nakita niyo bees? He.he. Akala ko hindi kayo nanood." Para siyang natatae na ewan. Pffft.
"Siyempre naman bees! Biglaan ko nga lang nalaman eh. And I miss it, nakita ko na namang tumugtug ka ulit." Nakangiting sabi ni Carley.
"Oo nga eh." Nakangiti rin si Jabelle habang sinasabi yun at sumulyap siya kay Xyrel. Bat hindi siya makatingin sakin? Amp lang.
Ako nalang ang nagsalita.
"Hoy Jabelle. Hindi mo sinabing may talent ka pala. Nakakatampo ah." Umakto pa talaga akong nagtatampo. Pero tae lang, wala atang epekto sa babaeng to.
"Che! Ang drama mo ah." Tumawa lang sila dahil sa sinabi niya. Psh. Pagtawanan daw ba ako.
Sandali nga, siguro ito na ang tamang oras para gawin ko yun.
***
ROSE BELLE
OMG. Nakita nila Waju na magkayakap kami ni Sungit. Hindi nga ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. Nakuu, baka kung anong isipin niya--t-teka, iisipin? Wala nga ata siyang pakialam sakin, ni hindi nga ako nakakita ni katiting na nagselos siya samantalang ako, hmp. Paano naman, magkahawak kamay sila ni Bees. Hay.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...