Kabanata 49
Mood Swing
Mabilis lumipas ng mga araw. Balik pasukan na naman. Tapos na ang pasko, bagong taon.
At heto ako, naglalakad na papuntang school. Wala eh, trip kong maglakad ngayon.
Mga fifteen minutes din ng makarating na ako ng school. Medyo nasanay ako na kada pagpasok ko gate adyan si bees naghihintay sakin, kaya hindi ko pa rin maiwasang malungkot at madissappoint ng makitang walang man lang ni anino niya akong nakita.
Naalala ko tuloy 'yung gabi na huli kong nakasama at nakita si Waju. Nung tinanong ni bees na iwasan ako ni Waju, wala akong narinig na sagot niya. Oo hindi siya sumagot, binaba niya lang 'yung tawag saka ako tahimik na inihatid sa bahay. Hindi pa man ako nakapagsasalita ng 'thank you' man lang ay mabilis na siyang umalis ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Mabigat ang mga paa kong umakyat ng kwarto. At hihiga pa lang sana ako 'nung marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Pagtingin ko halos lumukso ang kaluluwa ko ng malamang siya 'yung nagtext.
From Waju
Sorry kanina kung bigla nalang akong umalis. Alam kong bastos 'yun. Huwag mo na ring isipin 'yung mga narinig mo kanina. Just leave it for me, okay? Babawi pa ako sa kasalanan ko sayo.
PS. Just...stay please.
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa text niya. Pero, somehow, masaya ako dahil sa tingin ko hindi naman niya ako iiwasan. Ewan ko. . halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng gabing 'yun. Siyempre, hindi ko maitatangging nasaktan ako sa mga sinabi ni bees, masakit eh. Ikaw ba naman, sabihan ng iwasan ng bestfriend mo, na tinuring mo na ring parang kapatid.
Pero, naisip ko rin. . Kapag ba ako na 'yung umiwas, may chance pang magka-ayos kami ni bees? Hindi na ba niya ako iiwasan uli?
But. . .
Stay please.
Yung text ni Waju ang bumabagabag sakin. Stay? Anong ibig sabihin niya dun? Alam niya kayang . . iiwas na naman ako dahil sa narinig ko?
"HA!"
"AY IPIS NA PAGONG!"
"HAHAHAHA!" Tawang tawa nila. Sinamaan ko ng tingin ang mga loko-lokong team ko.
"Nakakainis kayo alam niyo ba 'yun?!" inis kong sabi. Grabe. Manggulat daw ba!
"Pffft, sorry manager. Parang nasa Pluto ka eh. Haha" natatawa pang sabi ni Kai. Umismid lang ako sa kanila. Nasa tapat na pala ako ng room, hindi ko man lang namamalayan.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...