Kabanata 2
Ang Kapalit
Jude Warren Chua. Isang sikat na basketball player sa aming school. Napaka-charming ng ngiti niya. Iyong tipong makalaglag panty. Isa siya sa mga heartthrob ng school.
Kahit may pagkasama ang ugali, hindi mo maiaalis sa kaniya na mabait siyang abno este TAO. Ngunit marami na siyang winasak na mga puso kahit hindi niya naman intensyong manakit.
Hindi niya kasalanan na karamihan ng babae nadadapa kapag tumitingin lang sa kanya. Hindi niya kasalanan na maraming kababaihan ang nauubusan ng panty sapagkat sa lugaygay na ang garter dahil sa kagwapuhan niya.Ang mas mahirap nga lang kasi nagkataon na isa ako sa mga babaeng nahuli niya. Nahuli ng kanyang kamandag na hindi niya naman sinadyang angkinin.
I've been admiring him for ten years. Secretly. Kaya nasanay na akong pakisamahan siya ng normal kapag nasa malapit siya. Matagal ko na siyang gusto kaya sinanay ko na ang reaksyon ko kahit alam kong kailan man ang sistema ko hindi masasanay kapag nandyan siya, o kahit natatanaw ko palang sa malayo.
At isa rin sa confidence ko. Kahit kailan hindi niya ako mabubuking. Hindi niya malalaman ang nararamdaman ko. Kasi ang ugok na iyon, dakilang manhid!
"Rose Belle! Nandito ka lang p-pala! Akala ko sumama ka na kay Warren, e!"
Huminto siya sa harapan ko. Hinihingal. Paano siya hindi hihingalin, sandamakmak ang dala niyang pinamili?
Tiningnan ko siya. Bumaba ang tingin niya sa aking supot na dala. "Wow! Nabawi mo! Paano?"
Napaiwas ako ng tingin. Lumuhod ako, Bees. Nagmakaawa. Muchacha. Nagpakatanga. Namulubi. Nakipagtransaksyon. Alangan namang sabihin ko iyan. Diyos na mahabagin. Kahiya-hiya ang ginawa ko. But it's worth it. Maiiuuwi ko ang jacket ni Minho! May couple jacket na kami!
Malapad akong ngumisi. "My charm, Bees,"
"Heeeeh?" hindi makapaniwala ang tingin niya. Aba. Sarap batukan, ah!
"Uy. Porket hindi ako fashionista wala na akong charm? Carley, ha. May charm din ako,"
Natatawa siyang umiling. "Wala naman akong sinabi na wala kang charm. You said it yourself,"
Tinalikuran ko siya. "May kasalanan ka pa sa akin, bruha ka. Kung hindi mo ako sinama dito, walang kahihiyan akong magagawa."
Humabol siya. "Huwag mo nga akong sisihin. Sino ba nagsabi sa'yong agawin ang jacket na 'yan kay Warren sa counter? At hindi lang 'yon, ah. Hinabol mo pa!" Umiling iling siya, tila nag-iisip. "Nagtataka talaga ako kung paano mo nakuha iyan sa kanya, e. Halatang wala siyang balak ibigay 'yan sa'yo kanina."
"Ah! Huwag ka ng magtaka! Kain nalang tayo!" Mas binilisan ko ang paglalakad.
"Grabe, ilang galoon ba ang nakastock diyan sa tiyan mo at nagutom ka agad? Kakakain pa lang natin ng breakfast sa inyo, ah!"
Sino ba naman ang hindi maguhutom kahahabol ng isang basketball player?
Aysus. Ikaw nga sampung taon ka ng naghahabol, bakit hindi ka parin napapagod?
Aba't. Ang ingay ng konsensiya ko, ah. Patahimikin kita dyan, e. Hindi ko gusto ang mga pinagsasabi mo.
Si Carley ang pumili ng makakainan namin. Mang Inasal na naman. Mayaman talaga kasi ang bruha. Pwedeng namang sa karenderya na lang kami.
Nakaupo si Carley sa upuan. Ako ang nakatayo. "Anong order mo, Bees?" tanong ko.
Kumislap ang kanyang mata. "Manlilibre ka?" puno ng pag-asa ang kanyang boses.
Ngumisi ako.
Makahulugan niya akong tiningnan at napapalakpak sa tuwa. "Shems! This is one of the rare moments na nanlilibre ka! Sana pala ay araw araw kitang bibigyan ng jacket kung ganoon!"
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...