Kabanata 46
Sorry & Explanations
Nagising ako ng medyo masakit ang ulo ko. Dahan dahan akong bumangon sa kinahihigaan ko bago ko nilibot ang paningin ko sa paligid.
Nandito ako sa may kwarto namin pero halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa buong team na nakapalibot sa kama kung saan ako nakahiga. Oo, lahat sila nandito na akala mo isa akong patay na mukha ng ililibing.
"Ayos na ba kayo manager? " -Xinna
"May masakit ba sa inyo? " - Kai
"Masakit ba ulo niyo?" -Carl
"Okay ba 'yung kiss?" nakangising tanong ni Ray na nagpakuha ng atensiyon ko. Pinagtutulungan naman siyang batukan ng team at naiinis na tinanong kung bakit niya daw 'yun sinabi. Pero wala dun ang atensiyon ko kundi sa mga nangyari bago ako mawalan ng malay.
Pinilit kong maka-aalala pero hanggang dun lang sa parte na may nagdala samin 'nung bata-teka 'yung bata!
Pinilit kong tumayo.
"Yung b-bata! Okay na ba siya? " nag-aalala kong tanong habang hinihilot ko ang sintido ko.
"Ayos na siya, " napalingon ako sa sumagot 'nun. Si W-waju.
"A-ah, mabuti kung ganun..."
At 'yung kiss na tinutukoy nila, ano yun? Gusto ko sanang tanungin kaso nahihiya ako sa buong team kaya tinikom ko nalang ang bibig ko tungkol dun. Instead nagtanong ako kung...
"A-ano... Sino 'yung nagligtas samin? " mahinang tanong ko. Siguro alam nila ang nangyari sakin. Gusto ko sanang magpasalamat kung sino 'yun. Akala ko mamamatay na ako kanina... Katulad lang ng nangyari sakin noon...
Napansin kong walang nagsalita sa kanila o sumagot man lang ng tanong ko.
"H-hindi niyo ba alam kung sino?" lahat ng mga mata nila ay tumingin sa isang direksiyon. At sinundan ko 'yun at halos malaglag na naman ang panga ko dahil lahat sila ay nakatingin kay Waju. Habang si Waju ay binigyan sila ng tig-iisang masamang tingin.
Huwag mong sabihin na...siya?
At so ang kiss na sinasabi ni Ray ay... Siya rin?
Parang déjà vu lang? Nangyari na ito 'nung bata pa ako tapos ngayon, nangyari uli?
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung magpapasalamat ba ako o hindi...
"Labas mo na kayo." dinig kong sabi ni Waju kaya awtomatiko akong napataas ng tingin.
"Huwag!" pigil ko sa kanila. Ayaw ko ngang makasama sa kwarto ang lalaking 'yan. Nasaan ba ang girlfriend nito? (Makagirlfriend lang, parang di kilala kung sino)
"May pag-uusapan lang kami, labas." pag-uutos niya uli. Lalabas na sana 'yung team ng pigilan ko uli sila.
"Huwag kayong lalabas! " bulalas ko. Siguro nagtataka na sila sa ikinikilos ko. Halata naman sa mga nakakunot nilang noo.
"Ako ang captain niyo, kaya sakin kayo sumunod. Hala, labas. " maangas niyang pagkakasabi. Pero umiling ako,
"Ako ang manager niyo, kaya ako dapat ang sundin niyo. Huwag kayong lumabas," utos ko naman. Pero sadyang hindi talaga siya nagpapatalo.
"Bibigyan ko kayo ng 50 push ups punishment pag hindi kayo sumunod sakin." pagbabanta niya kaya nagmamadali ng mag-sialisan sila pero hindi ako magpapatalo noh!
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...