Kabanata 40
Championship
Naging maayos naman ang takbo ng party. Akala ko magkakagulo, salamat nalang at hindi. Hindi naman 'yun formal na party, parang pang good-luck lang para sa buong team. Nandun din ang cheering squad ng team, at syempre dahil kasali na si bees, nandun siya. Nag-iisip pa nga ako kung ano ba talaga ang problema ni bees at bakit siya sumali dun. Dahil gaya ng sabi niya sakin, kapag ginawa niya ang bagay na once niyang hindi gusto, ibig sabihin daw nun, may problema siya. Nung tinanong ko naman siya 'nun sa paguusap namin noon sa mismong mansion ni Waju ay hindi niya ako sinagot.
Sa buong party sinubukan kong huwag mameet sila bees. Pero hindi pa rin naiwasan. Nagtama 'yung mga mata namin pero agad din siyang umiwas, samantalang ako napabuntong-hininga nalang. Nakausap ko rin si Waju, pero sandali lang, umiiwas nga ako diba? Nag-good luck lang ako para sa laban at pati na rin sa buong team. Nandun din pala ang coach nila, si Mr. Reyes.
"Manager, nakikinig ka ba sakin?" nabalik ako sa huwisyo dahil sa kalabit ni Ejay sakin.
"H-ha?" umiling nalang siya habang nakapout.
"Hindi ka nga nakikinig. Sabihin niyo nga manager, nasa kay -" mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya ng kamay ko.
"Tumahimik ka Ejay," banta ko sa kaniya. Dahil kahit cute ka, kaya kong balibagin 'yang mukha mo. Biro lang. Mababawasan ng isang cute sa universe.
"Bakit manager? Alam mo ba kung sino ang tinutukoy ko?" tanong niya ng tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
"Oh, sino nga ba?"
"Si-array!" bigla naman siyang tumigil sa pagsasalita ng bigla siyang batukan ni sungit.
"Turn mo na Ejaypatutie," kumakamot at nagrereklamong umalis 'yung isa.
Umupo naman siya sa tabi ko.
Nasa gym pala kami ngayon at puspusan na ang practice nila dahil mamayang hapon na pala ang championship game. Dito rin sa school 'yung venue.
"Ito oh," binigay ko sa kaniya ang isang bottle ng royal.
"Thanks,"
Binaling ko ang tingin sa court, at pinanood ang team na maglaro. Hindi sa pagmamayabang o ano, pero sadyang magaling lang talaga ang team nila. Pero dapat hindi rin kami magpakampante, magaling din ang team sa kabilang school, ang White Demons.
Prrrrttt!!!
"Tapos na ang practice niyo?" tanong ko kay sungit na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa tabi ko.
"Tapos na 'yan,"
Napunta ang tingin ko sa kabilang bleacher. At napangiti na lang ako ng mapait ng makita kong pinupunasan ni bees ang mukha ni Waju. Ang sweet nila, masaya ako na nagkabati na sila. Sobra na kung pati sila ay masira ng dahil sakin.
"Masokista ka talaga," nagulat pa ako ng bigla niyang tinakpan ang mata ko.
"Sungit..." tinanggal niya rin ang kamay niya sa mukha ko at inakbayan naman ako.
"Pinapapunta na tayo ni coach dun, let's go." hindi na ako umangal pa at sumama na lang sa kaniya.
Nandun na ang buong team at nakapalibot in a full circle, kasama na kami ni sungit. Si bees naman andun lang ata sa bleachers. Hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Now, this afternoon is the real game. All I can say is, do upto the best that you can. Magaling kayong team, and I know you'll win this game. Real?" simula ni Mr. Reyes.
"REAL!!!" sagot naman ng team. Kasali na ako, syempre.
"XS team for the win!" pangunguna ni Mr. Reyes at nilahad ang kamay niya sa gitna na sinabayan din naming lahat. At itinaas namin ito sabay sigaw ng,
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...