Dedicated sa'yo. Salamat po sa pagbabasa. :)
Kabanata 66
Kotang-kota
"She isn't your daughter! Wala kang anak Sheila! Dahil baog ka! At alam nating dalawa na anak siya nina Niñarlota at Davery!"
She isn't your daughter...
Wala kang anak...
Baog ka...
At alam nating dalawa na anak siya nina Niñarlota at Davery!
Paulit ulit na parang sirang plaka ang mga salitang 'yun saking isipan. Habang hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Niñarlota? Davery? Sino sila?
"A...anak?" Natauhan ako nang marinig ko ang gulat na boses ni mama. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sakin. Nakita ko rin ang gulat na pagtingin ni Ma'am Yna sa kinaroroonan ko. Ngunit saglit lamang ang gulat na 'yun dahil bumalik siya sa pagseseryoso.
Nakita ko pang tinapunan ng masamang tingin ni mama si Mrs. Chua, parang supapalpalin niya ito sa galit.
Ngunit nang muli niyang ibalik ang tingin sakin ay napalitan iyon ng takot... Tapos bigla akong nilapitan ni mama.
Hindi ako kumilos. Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatayo doon. Hindi malaman kung tatakbo ako paalis o ano...
Basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay pagkawala... I feel so lost..
"Nak...bakit...bakit ka umiiyak?" Nagawa niya pa akong tanungin ng ganun? Magpapanggap ka pa rin mama...kahit alam mong narinig ko na?
Umalis si ma'am Yna. Pero, bago ito umalis ay may sinabi muna ito. "Explain yourself Sheila. Narinig na ng anak mo. Might as well, sabihin mo nalang ang totoo."
Hindi nagsalita si mama. Tiningnan ko siya, at mas dobleng sakit ang naramdaman ko nang makitang umiiyak ito. Dahan dahan ang pag agos ng mga luha niya. Hindi ko na matiis, nagsalita na ako.
I can't bear watching my mother cry...It's breaking my heart...
"Mama..." Tawag ko bago siya nilapitan.
Nabigla pa ako nang humagulgol na siya. Mabilis ko siyang niyakap. "Mama...shhh...Ayos lang, makikinig ako ng paliwanag..." Maagap akong niyakap ni mama pabalik.
"Patawarin mo ako anak! Patawarin mo si mama...patawad..." Iyak lang siya nang iyak.
Hele naman ako nang hele.
Oo na. You can call me whatever you want. Pero, hindi ako 'yung tipo ng tao na tumatakbo nang hindi nakikinig ng paliwanag. Running away without clearing the situations is purely dramatical.
Yes. May mga instances na tumatakbo tayo temporarily dahil nagulat tayo. Nasaktan. Gusto muna ng break. Ginawa ko na 'yun noon e.
Pero anong nakuha ko? Wala. Nagpalunod ako sa sariling paniniwala without hearing the other side.
Bumitiw ako ng yakap. Hinawakan ko ang pisngi ng babaeng nagpalaki at nagmahal sakin na parang tunay na anak. Oo na. Tanggap ko na.
Imbis na magrebelde dapat pa nga akong magpasalamat sa kaniya diba? Because she loves me like what a real mother would do to her daughter. Ni minsan, hindi ko naramdamang ampon lang ako. Hindi pinaramdam sakin ng mga magulang ko ngayon na hindi pala nila ako tunay na anak.
But, atleast, I wanna know who are my real parents are...
"Mama...I'll listen, makikinig po ako ng paliwanag niyo. Wag na kayong umiyak please...Pumapangit po kayo e..." Pinilit kong ngumiti kahit parang pinupunit ang puso ko sa sakit na nararamdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/35306223-288-k95122.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...