Kabanata 1

11.6K 136 9
                                    

Kabanata 1

Ang Simula

“Mama! Mama!” Sa aking unang pagtawag kay Mama na nasa malayong pampang ay dahil sa labis na katuwaan. Tinatampal-tampal ko ang asul na dagat na tila isa itong drum. Umiikot-ikot ako sa aking doughnut na salbabida, nakikisabay sa beat na aking nagagawa. Saglit kong inihinto ang pagtampal sa dagat at hinintay ang unti-unti nitong pagpanatag. Dinungaw ko ang tahimik na ibabaw ng dagat at napangiti nang makita ang aking repleksyon doon. Isang pitong taong gulang na bata ang aking nakita, sobrang ikli ng buhok na tila panglalaki na, nakasando at kita na ang ngipin dahil sa lapad ng ngiti. Unti-unti lamang napawi ang ngiti ng bata nang tanging kulay asul ng kalangitan ang huli nitong nakita. Unti-unti na akong lumulubog. "Mama!" Nakakainis kasi wala na akong marinig. Kahit iyong tawanan ng mga kapwa ko bata habag naliligo ay hindi ko na marinig. Hindi ko na rin nakikita si Mama at Papa na masayang kumakain sa pampang, sa ilalim ng malaking dilaw na payong. Nawalan na rin ng hangin ang aking baga. Sobrang hirap ng aking paghinga. Sinubukan kong ikampay ang mga paa at kamay ngunit hindi pa rin ako lumulutang. Sobrang lamig ng aking pakiramdam. Nanhahapdi na ang aking mata, hindi ko alam kung dahil ba sa luha o asin ng dagat. Hindi na ako makapagsalita! Mama! Papa! Imbes na hangin ay takot ang pumuno sa aking puso. Nakakatakot. Nakakatakot. Ayaw ko na dito, ilabas niyo ako... Paki-usap... hindi... na... ako... makahinga...

"Rose Belle!" May yumugyog sa aking balikat. "Anak, gising na! Nasa baba si Carley!"

Bigla akong napatayo. Huminga ako nang napakalalim.

Hinawakan ni Mama ang aking magkabilang balikat. Nag-aalala ang kanyang mga mata. "Umiiyak ka ba, 'nak?"

Umiling ako kahit labis ang pagtibok ng aking puso sa sobrang takot. "Hindi po, Ma. Baka aftermath pa ito ng pinanood kong movie ni Minho oppa kagabe," siniglahan ko ang aking boses upang walang mahalata si Mama. Ayaw ni Mama na binabalik-balikan ko ang pangyayaring iyon dahil gusto niyang kalimutan ko na. Pero, naging palagian na ang pananaginip ko tungkol dito.

Sinapak ako ni Mama ng unan sa aking noo. Napahawak ako doon. "Palagi ka nalang nagpupuyat ng Kdrama na 'yan! Kaya hindi ka tumataas!" Bago ko pa siya magantihan ay tumayo na siya.

"Mama!" nakasimangot kong reklamo. Ang aga aga, inaalog niya ang brain cells ko!

She childishly stick her tongue out to me. Napabuga ako ng hangin. "Bumangon ka na at maligo kung hindi paaakyatin ko si Carley dito!"

Ang matandang iyon!

Dahil likas na tigasin ang aking ulo ay bumalik ako sa pagkakahiga. Sa totoo lang, ala una na ng umaga ako natulog kagabe kaya puyat talaga ako. Sa takot kong panaginipan ulit iyon ay binuksan ko lang ang mata, nakatitig sa kesame. Pero noong biglang bumukas ang pintuan at namataan ang mala-anghel na pigura ng magaling kong bestfriend ay mabilis kong pinikit ang mata. Humilik ako upang mas kapani-paniwala.

"Rose Belle Lantigo! Bumangon ka na dyan! Dadami ng tao sa mall!" ang makulit niyang boses. Dahil inistorbo niya ang aking pagtulog ay hindi ako nagpatinag. Nilakasan ko lalo ang paghilik. Napamulat lang bigla noong tinapunan niya ng unan ang aking mukha. Sapul, ha! "Huwag mo akong lokohin! Hindi ka humihilik! Maligo kana kundi hihilahin kita sa mall nang 'di naliligo! Rose Belle Lantigo!"

"Ay, leche! Kailangang ulit-ulitin ang pangalan ko!" singhal ko noong bumangon. Alam niyang ayaw kong binabanggit ang buo kong pangalan, e!

Ngumisi siya. Iyong ngising tagumpay. "Pangalan mo lang pala magpapagising sa'yo, e. Hala, maligo kana!"

Bago pumasok ng banyo ay binato ko rin siya ng unan. Humagalpak ako noong sentro sa mukha niya.

"Ouch! Iyong make-up ko, Rose Belle Lantigo!"

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon