Kabanata 29
Her Plan
Nagising ako ng di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko---maging masaya, malungkot, magalit, masaktan--di ko na alam. Naguguluhan na ako. Pero, isang bagay lang ang nananatiling umiikot sa isip ko--be a cupid to my two bestfriends who's in love with each other.
Kahapon ko pa ito napagisipan habang kausap ko si bees. Pwede mo akong tawaging tanga, duwag, desperada--pero anong magagawa ko? Maging hadlang sa kanila? Maging kontrabida sa love story nila? Ano namang laban ko sa dalawang taong nagmamahalan? Magmumukha lang akong tanga.
At isa pa, bestfriends ko silang dalawa, hindi ko kayang pagtaksilan sila.
Kahit mahirap bumangon, pinilit ko pa rin ang sarili ko, may plano akong dapat gawin ngayon.
Matapos akong kumain, tuluyan na akong pumunta ng school.
Normal pa rin naman ang lahat, nag-aabang si bees sakin sa gate at sabay kaming pumasok ng classroom, iyon nga lang wala ata si Waju ngayon.
"Bees, pansin ko lang. Nasaan kaya si Waju?" Mula sa pagiging relax ng mukha niya, tumigas ang expression ng mukha niya, at naging malungkot tapos nag-aalala na. Hindi ko alam kung paano niya yun nagagawa.
"E-ewan ko b-bees...Di kaya, galit pa rin siya sakin? I don't even knew why he's angry at me..." Para siyang bata na naagawan ng paboritong laruan, nakapout pa siya niyan. Hayy. Kung nasa mood lang ako, kanina ko pa siya kinurot, ang cute kasi ng bees ko.
"Hindi yun bees, papansinin ka na nun panigurado. Baka, uhm, may problema lang siya kahapon, kaya ganun siya kung umakto." At isa pa, hindi ka naman nun matitiis eh.
Ngumiti lang si bees sakin.
"Sana nga bees."
Mabilis lumipas ang oras, at hapon na pala.
Napansin ko ring hindi talaga pumasok si Waju ngayong araw. Ano namang problema ng abnong yun? Huwag mong sabihing, nagtatampo pa rin siya kay bees?
Tinanong ko na nga ang team kung nasaan ang abno nilang captain, at nakakapagtaka, hindi rin nila alam kung nasaan.
Okay, fine. Ako na nga lang ang tatawag...
Pagkatapos ng tatlong ring, mabuti na lang at sinagot na niya.
"Hoy Waju! Nasaan ka?" Rinig ko ang mga tunog ng mga...uhm, papeles ba yun?
Naglalakad na ako ngayon, patungong likod ng school. Dun ko gagawin ang plano ko, at kasabwat ko pala si sungit.
Naalala ko pa kung paano siya nag-react sa plano ko.
"Wait--what? Are you insane, Bella? Iseset-up mo 'yung dalawa? You know that you love hi--"
"Xyrel naman... Sige na, please. Nagmamakaawa ako. Huwag mo nalang akong isipin, kahit 'yung... yung kaligayan nalang ng mga bestfriends natin, pwede?" Kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya, at maya-maya ay pumayag na rin siya.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomansaIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...