Kabanata 15
Gwapong Nurse
"Jabelle," naalimpungatan ako dahil sa boses na 'yun. T-teka, bakit parang boses ni Waju 'yun? At siya lang naman ang tumatawag sakin ng Jabelle ah. Grabehan lang, nag iilusyon na naman ba ako?
Minulat ko ang mga mata ko at agad kong nakita ang dalawang pares ng asul na mga mata na palaging nagpaparelax sakin.
"Okay ka na?" Nanlaki naman ang mata ko ng marealize kong hindi nga ako nagiilusyon.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" T-teka, tiningnan ko naman ang suot ko. Bakit hindi na ako nakauniform?!
"Waah! Mama!! Pa--hmfff"
"Hoy Jabelle, bat ka ba sumisigaw?! Pambihira, may sakit ka ba talaga? Ang lakas pa rin ng boses mo eh." Inalis ko naman ang mga kamay niya sa bibig ko, nakukuryente ako, ano ba.
"Anong may sakit?" Hinawakan ko naman ang noo ko at napansin kong may nakapatong na basang tela dito.
"Bigla ka nalang nagcollapse sa kotse ko, at nalaman kong nilalagnat ka na pala. Akalain mo 'yun?" Sinamaan ko naman siya ng tingin habang siya natatawa lang na nakatingin sakin. Anong akala niya sakin, hindi nagkakasakit? Ang sama niya.
"Hayop nga nagkakasakit, ako pa kaya. Kainis ka!" Tumawa lang siya ng maalala ko na naman kung bakit iba na ang damit ko, huwag mong sabihin--
"Pinapunta ko dito ang isa sa mga maid namin, at siya ang nagasikaso sayo." Napahinga naman ako ng maluwag, akala ko, nakuu talaga! Kahit mahal ko 'tong abnong 'to, aba, hindi pa naman ako naloloka, para isuko na lang ng basta basta ang Bataan, mahal ko siya pero hindi ako sigurado kung siya na talaga forever, pero kung ako papipiliin, aba siyempre, si Waju ang pipiliin ko. Choosy pa? Haha!
"Kumain ka na, andito 'yung lugaw, anong oras na sigurado akong gutom na 'yang mga alaga mo. Haha!" Aba, anong oras na ba? Tiningnan ko naman ang wall clock niya, at nanlaki naman ang mga mata ko. 3:25? Like, seriously?!
Bigla na lang akong bumangon at napabalik na lang ako ng maramdaman ko ang kirot ng ulo ko."Huwag kang mag-alala, pinaexcuse na kita kina Xyrel." Tumango na lang ako, ang sakit pa rin kasi ng ulo ko, grabe.
"Ito oh, kumain ka na." Ibinigay niya na sakin ang lugaw, kukunin ko na sana ng hilahin niya ulit. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Alam niyo 'yung feeling na gutom na gutom ka na tapos ibinibigay na sayo 'yung pagkain pero hinila niya ulit? Kainis ah! Siya kaya 'tong kainin ko. Wahaha!
"Ako na lang magsusubo sa'yo." Ano daw?
"Waju may sakit lang ako, hindi pa ako baldado." Tumawa naman siya. Hay. Bakit pag kasama ko 'tong abno na 'to, tawa siya ng tawa? Alam ba niyang sa ginagawa niya mas lalo akong nahuhulog sa kaniya? Kainis ka Waju.
"Basta, hayaan mo ng ako ang magpakain sayo. Sige na~" Ay, nagpacute pa? Wala ka pa ngang ginagawa payag na ako, yan pa kaya? Ang unfair mo..
"O sige na nga, baka umiyak ka pa. Wala pa akong gatas." Tumawa na naman siya. Sinubuan na niya ako.
"Yan ba epekto pag nagkakasakit ka Jabelle? Nagiging comedian ka?"
"Yan ba epekto ng pagiging nurse mo sakin ha? Tawa ka ng tawa." Abno talaga. Tumawa na naman siya. Akalain niyo, ang captain ng sikat na basketball team ay abnormal?
"Hindi naman ako tatawa kung di ka nagpapatawa."
"For your information Sir Chua, ang pagkakaalala ko, ang pasyente ay inaalagaan, hindi pinagtatawanan." Taas kilay kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...