Kabanata 21

2.1K 44 9
                                    

Kabanata 21

Sungit at Kulit

Matapos ang practice ng team, isa isa na silang nagsialisan matapos ang early dinner.

Tiningnan ko naman ang oras sa wrist watch ko. 6:00 pm.

Linapitan ko si bees.

"Bees, sabay na tay---"

"Hatid na kita Carley!" Liningon ko naman si Waju, nakangiti pa siya habang sinasabi niya yun. Lumapit siya samin at inakbayan ako.

"Sinabi ko na kay Xyrel na sa kaniya ka na lang papahatid Jabelle, okay lang?"

"O-oo naman, o-okay lang." Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya at sabay na silang naglakad paalis ng gym.

"Bye bestfriend!" Sabay pa nilang sabi. Kumaway na lang ako sa kanila.

Napabuntong hininga naman ako. Ang hirap pala, ang hirap pag karibal mo ang bestfriend mong minsan mo nang tinuring na kapatid.

"You love him." Nagulat naman ako dahil sa biglang pagsulpot ni Jack sa likod ko, kami na lang pala ang tao sa gym ngayon.

"A-anong sabi mo?" Binalewala niya ang tanong ko saka siya lumapit at pinahiran ang kung ano man sa mukha ko.

"You're crying again," Huh? Umiiyak ba ako?

"Ano b-bang pinagsasabi mo Jack?" Again, he ignored me.

"C'mon, there's a place I know lonely people are banned." At hinawakan na niya ang kamay ko. Anong nangyayari kay Jack? Bat ang weird niya ngayon? Kung ano anong pinagsasabi eh.

"T-teka Jack! Saan mo ba ako dadalhin?" Sinamaan lang niya ako ng tingin. Eh san ba niya ako dadalhin? Anong oras na kaya, gabi na po.

"Just shut up, okay?" Edi shut up.

Sumakay na kami sa kotse niya at agad naman kaming nakarating sa lugar na sinasabi niya.

Sa tabing dagat, seryoso?

"Hoy sungit. Bakit mo ko dinala dito?" Bumaba na kami ng kotse at pumunta na ng pampang. Ang ganda, white sand. Pero sayang, kanina pa ang sunset.

Umupo kami sa tabing dagat at tumingin naman ako sa dagat, ang peaceful ng dagat, walang kaalon alon, ang ganda sa mata.

"Ang ganda dito, sungit." Nakangiti kong sabi. Tumingin naman ako sa kaniya at nakatingin lang siya sakin.

"Anong tinitingin tingin mo Jack, may utang?" Umiling lang siya saka ngumiti ng konti. Ang gwapo mo pag nakangiti ka.

"I just realized how beautiful you are specially when you're smiling." Hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Nothing. I said you're ugly and deaf." Umismid nalang ako sa kaniya.

"Ang sama mo talaga, sungit."

"Ang pangit mo talaga, kulit." Wow. Ang cute niya pala pagnagtatagalog.

There's a moment of silence until I decided to break the ice.

"Jac---"

"I want you to call me by my first name." Huh? Bakit?

"Bakit? Sabi ni--I mean narinig ko na mahahalaga lang daw ang pwedeng tumawag sayo nun. Bakit ako? Hindi naman tayo close." Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sakin, as in malapit na malapit.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon