Kabanata 7
Meet the Whole Team (PART 2)
Agad kong inalis ang tingin kay Waju at binalik sa harapan. Pinagsiklop ko ang aking kamay sa harap ko habang isa-isang tiningnan ang bawat miyembro ng Xtrablack Shot (The Exes o XS Team). Excited akong makilala sila, oo, pero kinakabahan din ako. Sampu—I mean, labing isa ba namang nag-gagwapuhang nilalang ang tumitig din sa'yo pabalik, hindi ka mahiya? Pakiramdam ko tuloy ang ganda ganda ko ngayon kahit hindi ako nagpalipstick kay Bees kanina kasi lahat sila nakatingin sa akin. Eh!
Sa wakas, may nagsalita rin sa kanila. Nakasulat sa jersey niya ang numerong 17. Mataas siya, buhay na may pagkapino ang buhok, misteryoso ang mata, matangos ang ilong at sexy kung ngumiti.
"Hi, Miss Manager. I'm Xinna Guevarra." He smiled. Alam ko na kung ano ang nagustuhan ni Kathey sa kanya. Hindi na ako magtatanong. Gwapo siya, oo. Pero, si Waju pa rin para sa akin. Ako na ang bias!
Napangisi ako at kumaway bilang sagot sa kanya. Bumalik si Xinna sa pagkakaupo. Sunod na tumayo at nagpakilala ay si numero 13. Pinasadahan ko siya ng tingin. He has this jolly and light aura around him. Parang hindi mo siya makikitaan ng badvibes. Pero sa kabila ng bright aura niya ay kaseryosohan na minsan ay hindi mo mapipintasan. Palangiti din siya. Pero may kung ano sa ngiti niya na parang hinuhubaran ka. At kung magpapadala ka naman, ayy, maghuhubaran talaga kayo. Ayy. Napailing iling ako sa aking mga iniisip. Mapaghahalataan kang nagnanasa, Rose Belle!
"Hi, gorgeous. I'm Joe Roxas." He said in a sexy voice. Tumango ako nang natatawa habang kitang kita ang iilang pag-iling ng mga nakaupong team. Playboy. I know.
Sumunod si numero 8. Naalala kong siya iyong cute kahapon! Ang nagsabing balak akong kausapin ni Waju. Kung palangiti si Joe na may kasamang malisya, ang ngiti naman nito ay puro. Ngiting masaya, ngiting malaya, ngiting walang malisya. Simula kahapon, hindi ko pa siya nakitang sumimangot. Dumagdag sa kagwapuhan niya ang mala-Alden niyang dimple at pagkawala ng mata kapag tumatawa. Ang sarap niyang iuwi sa bahay!
"Anneong Manager! I'm Kai Shin, fortunately, I'm half korean. Kaya nga naiinggit silang lahat sa akin." Humalakhak siya.
Kumaway ako sa kaniya. "Hello, Kai!"
Binatukan siya ng katabi niyang si numero 5 dahil sa sinabi niya. Unang tingin palang, alam kong isa siyang tahimik na tao. Literal na tahimik. Iyong hindi pasalita. Pero siya iyong tipo na kahit wala pang sinasabi, mapapatili ka nalang. Sobrang gwapo. Dark eyes. High-pointed noise. Mga labing sekretong kumikembot kapag may natutuwaan. Medyo nailang tuloy ako sa klase ng titig niya.
"Circo Mandival here." Sumaludo siya at tipid na tumango. He didn't smile.
Gusto ko sanang gayahin kung gaano siya kaseryoso pero baka paalisin ako rito. Ngumiti ako. The most sincerest one I could manage. Mas lalo pa akong nai-excite na makilala silang lahat. This team is composed of different persons with varieties of attitude and personalities but have the same goal. Sikat sila sa unibersidad na ito. Kilala ko rin ang iba sa kanila dahil sa pagsusunod-sunod ko palagi kay Waju. Ngunit iba pa rin talaga kapag personal mo silang makikilala.
"Hi manager, I'm Carl." Kumaway rin siya sa akin.
"Ray, I'm here. Ang cute mo talaga manager." sabay tawa.
Namula ako sa sinabi ni Ray. Naman, e!
"'Yun, ow! Namumula na si Manager! By the way, I'm Jayson."
"Nandito naman si Kent. Hi manager, welcome sa team." he smiled. I smiled back.
"Siyempre, hindi magpapahuli ang pinakagwapo—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang magreact ang mga ka-team niya.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
Storie d'amoreIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...