Kabanata 62

2.1K 38 4
                                    

Hi ate Xammie. Kung mababasa mo man 'to, dedicated sayo 'to. Labyu!
Hehe
---

Kabanata 62

Own Me

"Inumin mo 'to." Nilahad ni Waju ang baso ng tubig sakin nang makarating na kami ng kwarto. Nakaupo ako ng kama habang siya nakaluhod sa harap ko.

Kinuha ko ang tubig at uminom. "Salamat,"

Tumayo naman siya para ilagay 'yun sa may side table.

Nang nasa may dalampasigan pa ako kanina ay pinuntahan kami ng dad at mom ni Waju, tinanong ang nangyari. Niyakap pa ako ng mom niya at sinabing okay na, habang walang ekspresyon na ipinakita ang dad niya. But his jaw's intact. Humiwalay lang sila nang sinabi ni Waju na dadalhin na niya ako ng kwarto para makapag pahinga.

Inabot niya sakin 'yung phone ko na kinuha ng rapist na 'yun. Inangat ko ang tingin sa kaniya at inabot 'yun. Seryoso ang mga titig niya sakin.

Alam ko. Kasalanan ko. "I'm sorry."

"Sabi mo babalik ka? Nag alala ako nang ilang minuto at hindi ka pa bumabalik. Pumunta ako ng comfort room to find you but you're nowhere to be found. Kaya lumabas ako to search you. Damn Jab, pinag alala mo ako." Matigas ang bawat salita niya. Kaya wala akong nagawa but to feel ashamed dahil sa kagagawan ko. Yes, I am familiar of the place, but the people here were not.

Nanatili lang akong nakayuko habang hawak hawak ang phone ko. Bumuntong hininga si Waju at pumantay sakin, lumuhod siyang muli. Sinubukan kong hindi siya tingnan pero hinawakan niya ang baba ko.

"Look at me. Halos patayin ko ang mga gagong 'yun kanina Jab. Shit. Nang maabutan kong nasa ganun kang kalagayan ay dumilim ang paningin ko." Tiningnan ko siya. His eyes were marked with sincerity and seriousness. Ngayong ganito na naman kami kalapit, kitang kita ko naman ang makapal niyang kilay, mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapulang labi.

"Damn Rose, huwag mo ng uulitin 'yun. Huwag kang aalis nang di nagsasabi sakin. I'm worried." Tumango ako.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap. Napapikit ako sa gaan ng pakiramdam. It was like a dream come true.

Mga bagay na dati ko lang pinangarap. Mga pangyayari na sa imahinasyon ko lang binuo. Ngayon nangyayari na sa harap ko. I love this man so much. This man that always hurt me, but still can make me happy at the same time. Siya lamang 'yung taong kaya akong paranasin ng iba't ibang emosyon.

"Promise me Jab. Promise me." Bulong niya habang yakap yakap ako. Tumango tango ako.

"Promise Waju."

Bumitiw na siya sa yakap. I pouted. Nubayan, gusto ko pa! Landi Belle, itagilid.

"Matulog ka na. Aalis na tayo bukas. Don't worry, babantayan kita." Namula ang pisngi ko pero tumango na rin.

"Okay." Nahiga na ako. Siya naman ang nagbalot sakin ng puting comforter.

"Good night." Ani Waju. Napapikit nalang ako nang halikan niya ako sa noo. Ang lambot ng labi niya!

"Good night..." sabi ko rin.

At kung nanaginip man ako o hindi, pero parang narinig ko siya, saying "I love you."

***

Magaan ang pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan. Hindi ko alam kung bakit. Instinct kong nilibot ang paningin sa buong kwarto, at walang Waju akong nakita. Kinusot ko ang mga mata ko at deretsong tinahak ang veranda, and there he is. Sitting at the railings like a king of an island. Awtsuuu.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon