Kabanata 47Angel's Christmas Wish
Ring...
Sabay kaming napatingin sa cellphone kong may tumatawag. Tiningnan ko ito at dun ito sa charity.
Kinakabahan ko itong kinuha at sinagot.
"H-hello?"
"A-ate B-bella..."
Si Angel.
"Angel! Okay ka lang?" kinakabahan kong tanong. Parang nanghihina kasi ang boses niya.
Napansin ko ring biglang naalerto si Waju.
"W-what happened to her?" siniyasan ko muna siyang tumahimik na sinununod niya naman.
"A-ate B-bella.. P-pwede po bang p-pumunta ka muna dito?" nanghihina niyang sabi sa linya.
"Okay baby, sige."
"T-talaga po? T-thank you po Ate Bella," nakangiti na siguro siya sa kabilang linya ngayon.
"Para sa'yo baby Ange," ibaba ko na sana ng magsalita uli siya.
"Atsaka a-ate, p-pwede niyo po bang isama si..si Kuya.."
"Ang kuya Jack mo? Sige tatanungi-"
"H-hindi po. Si Kuya Jude po..."
"Jude?" nang banggitin ko 'yun ay napatingin si Waju sakin.
"Opo..."
"O-okay baby. Tatanungin ko kuya mo,"
"S-sige po a-ate.. Hihintayin ko po kayo dito.."
Namatay na 'yung linya at binalik ko ang phone sa bulsa ko.
"What happened to Angel?" nagaalalang tanong ni Waju. Napaupo ako sa may kama.
"W-waju... Si Angel.. Stage 4 na ang sakit niya.. " kita kong napatigil siya. Inangat ko ang tingin sa kaniya.
"At pinapapunta niya tayo doon ngayon.."
"Tayo?" tumango ako.
"Ano pang hinihintay natin? Let's go,"
"P-pero, paano 'yung team.. at si bees?" napatigil siya sandali.
"Magpaalam tayo, tara na.." sabay kaming lumabas ng kwarto, at saktong-sakto namang pagbukas ko ng pinto, nasa harap na namin si... bees at sungit..
Pareho kaming napahinto, pati nga ako nagulat, baka kung anong isipin-
"W-what are you...?" hindi makapaniwalang tanong ni bees habang nakaturo samin at palipat-lipat ng tingin. Tumingin naman ako sa likod ko kung nasaan si Waju, at nakatitig lang din siya kay bees.
Napapikit ako ng mariin, bakit palagi nalang kaming nakikita sa ganitong klase na mga sitwasyon, na maiisip mong may ginagawa kaming masama kahit wala naman.
Minulat ko ang mga mata ko at nagtama ang paningin namin ni bees. Yung mga mata niya, punong-puno ng galit, disappointment, at-sakit?
Habang ako ay punong puno ng guilt, mag-aaway na naman sila ng dahil sakin. Palagi nalang bang ganito? Ako ang gumawa mg paraan para maging sila, tapos ako din ang sisira.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
Roman d'amourIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...