Kabanata 25The Real Best Drummer
Nang makarating kami ng school, agad na akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako, nakakahiya. Kanina kaya ng pinagbuksan niya ako, namula ako nun, lecheng flan iyan. Mabuti hindi niya nahalata.
Pagkababa ko, nakita ko na rin siyang bumaba. Waju, bat ba sobrang gwapo mo? Pinagtitinginan na tuloy kami--este siya lang pala. Hay. Belle, hindi ka na nasanay.
Nang makarating kami ng gate, natanaw ko na agad si bees. Hindi ko alam pero sa tingin ko nagiging unfair na ako kay bees, nang dahil lang sa nagdedate na 'kunu' sila ni Waju, parang umiiwas na ako sa kaniya. Hay naman kasi, bakit kasi ikaw pa bees? Namimiss ko na ang bonding namin ng babaeng to.
"Hi bees! Namimiss na kita, alam mo yun?" At niyakap ko siya.
"Miss you too, bees. Hindi na tayo nakakapagbonding lately ah."
"Next time. Bonding tayo, ano g ka?" Tanong ko.
"Gora ako dyan!" Sana nga, makapagbonding na kami next time.
"Hi Carley. Good morning." Nakalimutan kong nandito pala si Waju. Nakita kaya kami ni bees na magkasama? Pakiramdam ko parang nagtataksil ako, pero, inalagaan ko lang naman siya dahil may sakit siya diba? Isa pa, wala naman kaming ginagawang masama. Kahit mahal ko si Waju, mahal ko rin ang bestfriend ko, mahal ko rin si Carley at hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko ugali ang mang-agaw, lalo na kung bestfriend ko pa ang karibal ko. Huwag na lang. Kung kanino siya sasaya, kahit masakit, I can endure. That's what true love is, the more it hurts the more it shows how much you love him.
Ano ba yan, whogoat lines ko ba yun? Yae na, totoo naman kasi diba?
"Good morning din Warren. Tara na, malalate na tayo eh." Gaya nung una, sabay na naman kaming tatlo at as usual, pinagtitinginan na naman silang dalawa. Masanay na ako.Mabuti na lang agad na kaming nakarating ng class room. Hindi katulad nung una, it felt like years.
Pagpasok ko,
"Uy anong meron? Bat palagi na lang kayong nauuna?" Puna ko, nandito na kasi silang lima eh.
"Bakit manager? Wala na ba kaming karapatang mauna?" Sabi ni Joe at may pahawak hawak pa siya sa dibdib niya na parang nasaktan sa sinabi ko. Loko loko talaga tong playboy na to.
"Wala akong sinabing wala ka ng karapatan Joe. Batukan kita dyan eh, parang nagtatanong lang." Sabi ko at umupo na sa upuan ko, himala ata at palagi ng si Sir ang late. Noong una naman, kami yung nalalate ah.
"Woah! Easy lang manager, meron ka ba ngayon?" Nabatukan tuloy siya ni sungit, dinilaan ko lang siya. Bagay sayo iyan! Haha.
"Ouch lang Jack ah! Makabatok to, nakakahiya sa mga chicks dito." Sunod namang bumatok sa kaniya ay si Circo.
"Mukha ka ng chicks." Woah! Himala ata at nagsalita siya. Kaya, agad akong tumayo at nilapitan siya.
"Woah Circo Mandival! Nagsalita ka?" Sinamaan niya naman ako ng tingin. Wae?
"Masyado bang obvious para hindi mo mahalata bees?" Wah! Binabara na ko nitong si bees ah. Makaganti nga, namiss ko ring kaasaran to eh. Wahaha! Yung anim naman, nanood lang samin.
"Anong sabi mo bees? Obvious tapos hindi ko mahahalata?" Balik tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Pwedeng oxymoron?" Natawa na lang ako sa sinabi ni bees. Haha! Minsan kasi sablay to kung mambara.
Natahimik na lang kami nung dumating na si Mr. Gomez slash Dragon.
Ewan ko pero trip kong makinig sa kaniya ngayon kaya nakinig ako. Buti nga kasi nagquiz si Sir eh.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...