Kabanata 50
Friendzoned
Wala pa akong pair. Anong gagawin ko?
"Ms Lantigo! Ano pa ang hinihintay mo?" Sigaw ni Ms. Dy sakin. Tumingin naman ako sa may gitna, nandun na si bees sa tabi ni Waju, sila pala ang mag-pares , malamang Belle .
Pero ako ay nanatili pa ring nakatayo sa kinaroroonan ko at nag-iisip kung saan bang lupalop ng daigdig ako makakahanap ng pair.
"Ma'am, wala pa akong pair." reklamo ko afterwards. Nginitian naman ako ni Ma'am. "Okay, ako nalang ang pipili ng pair for you." lumingon siya sa paligid then. . .
"Aragon!" mabilis kong sinundan kung saan nakatingin si Ma'am, then I saw it. Si sungit na nakaheadphone lang na akala mo may sariling mundo. Napatingin ako kay Ma'am. Tingnan nga natin kung pumayag 'yan, eh wala nga sa mood.
"Aragon! I'm calling you!" ulit ni Ms. Dy. Hindi pa sana siya maririnig ni sungit kung hindi lang siya tinapik ni Kai sa balikat at tinuro si Ma'am. Nagulat pa ako when he shot Ms. Dy a bored look.
"What?" sabay tanggal ng headphone na suot niya.
Inaasahan kong magagalit si Ma'am dahil alam ko namang rude 'yun, but she just smiled at sungit."You will be the partner of Ms. Lantigo in tennis."
"Tsk." 'yun lang ang sinabi niya saka nagwalk out. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang sinabi ni Ma'am na pair kami, ni hindi niya man lang ako tiningnan, kahit man lang sandali. Aaminin kong nasaktan ako dun. Nasanay kasi akong, sabihin na nating, kapag kasama ko si sungit pakiramdam ko importante akong tao. Yun 'yung pakiramdam na gustong gusto kong iparamdam ni Waju sakin. Pero asa pa ako.
"What's the problem with your classmate?" naguguluhang tanong ni Ma'am. Ako rin naman kanina pa naguguluhan eh. Gusto kong maghanap ng time kung kailan ko siya makakausap.
"Sundan mo M," dinig kong sabi ni Kai. Tiningnan ko siya but he just gave me a small smile. Kahit si Kai na energetic at childish sa pagkakakilala ko, parang apektado din sa nangyayari kay sungit.
"Pansin kasi naming, ikaw at si capt. ang mas iniiwasan niya." muli kong tiningnan ang papalabas na si Sungit saka binalik ang tingin kay Kai.
"Kami?"
"Yup,"
"B..bakit naman.. I mean, may ginawa ba kami o ano?" gulong-gulo ako ha. Kami lang ni Waju ang iniiwasan niya? Oo nga, pansin ko rin 'yun. Lumalapit o tumatabi naman siya sa team maliban saming dalawa ni Waju.
Nagkibit-balikat lang si Kai sakin. "Walang idea M, hindi naman palakwento si Jack eh."
"Ms. Singzon! Where are you going?" napatigil lang kami ni Kai sa pag-uusap dahil sa boses ni Ms. Dy. Nilingon ko naman kung saan papunta si bees, lumabas siya kung saan lumabas si sungit kanina. On instinct, napatakbo rin ako.
"You also Ms. Lantigo! Okay! You three has no activity for this day!" rinig ko pang sabi ni Maam pero hindi na ako lumingon pa. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa likod hardin kung saan dati kaming nadetention ni Waju.
"Hu!" hingal ko. Tutuloy na sana ako sa pagpasok ng garden since nasa gate palang ako ng may makita akong dalawang anino ng taong mukhang nag-aaway. Sumilip lang ako ng tamang tamang since di naman nila ako makikita dahil natatakpan ako ng mga tanim.
". . . I didn't meant it!" boses ni bees. Kumunot pa ang noo kong makita na mukhang galit na galit siya at parang iiyak na rin. Tiningnan ko kung sino ang kausap niya, at confirmed, si sungit nga. Pero hindi tulad kanina na blanko ang mukha niya, ngayon kitang kita ko kung paano siya nagpipigil ng galit. Nakakuyom pa ang mga kamao niya.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...