Kabanata 3
Ang Kaibigan
Crush. Sabi nila mababaw lang na nararamdaman. Kung baga panandalian lang. Dahil ibig sabihin nito ay paghanga. Humahanga ka sa isang tao sa isa o maraming kadahilanan. Pwedeng nagagalingan ka sa kaniya, nababaitan, nagagandahan o nagagwapuhan, at marami pang iba. At kapag nawala daw ang mga bagay na hinahangaan mo sa isang tao ibig sabihin nun mawawala na rin ang pagkacrush mo sa kaniya.
Ganun daw kababaw ang salitang 'crush'. Kabaliktaran sa kung gaano kalalim ang salitang 'love'. Mahal mo ang isang tao ng walang dahilan, at kung magkaroon man hindi 'love' ang nararamdaman mo. Love is a very broad word that people define in various meaning. Walang tompak na kahulugan kung ano ang pagmamahal. Depende ito sa experience ng isang tao.
Dumudugo na ang ilong ko sa mga pinagsasabi ko a. Pero, narinig ko lang naman 'yun e. Galing kay Mama at Papa, ang mga love experts. Lul.
Pero seryoso, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang malaman ko kung ano ang pagkakaiba ng crush sa love. Akala ko kasi pareho 'yun e. At kung nagkataon, di ko alam ang gagawin ko.
Alam kong bestfriend ko si Carley, at nangako kami sa isa't isa na walang maglilihim samin. Wala naman akong balak na itago sa kaniya 'to kaso humahanap lang ako ng tamang pagkakataon.
Siguro naman maiintindihan niya ako, kahit medyo may pagkasanggol ang pagiisip nun.
Mas expert pa nga siya about love kesa sakin. Paano ba naman, marami na kayang past relationships ang babaeng 'yun, ano pang aasahan mo, maganda naman si Bees, di ako magtataka kung maraming nahuhumaling sa kaniya. Pero, ewan ko sa bff kong 'yun kung bakit parang fling fling lang sa kaniya lahat ng mga naging karelasyon niya. Wala pa siyang seneryoso ni isa.
"Anak, dinner time na!" Si Mama talaga, di naman niya hilig ang sumigaw noh?
"Baba na po!" Sagot ko habang papalabas ng kwarto.
Kumain na kami ng tahimik...Pero joke lang 'yun, kami pa kakain ng tahimik? Si Mama dada nang dada sa pagiging matakaw ko daw tapos di naman tumataba. Tapos si Papa, tawa lang nang tawa. Hay. Si Mama di makamove on.
Only child lang ako kaya si Papa over protective sakin, saka si Mama paborito ako. Sino pa bang magiging paborito ni Mama e wala naman siyang choice. Hindi sa pasaway ako ah, mabait kaya akong anak. Hmm.
Matapos naming kumain ay tinulungan ko pa si mama sa paghuhugas ng pinggan. Siya iyong naghuhugas habang ako ang nagpupunas ng mga hinugasan.
Matapos ay umakyat na ako pabalik ng kwarto para matulog. Pupunta pa akong charity bukas dahil linggo. Kaya kailangan kong matulog ng maaga. Huwag mo muna akong guluhin Minho oppa. Ayokong mapuyat dahil baka malate na naman ako. zzZzz
"Anak! Rose Belle! Gising na!" Minulat ko ang mata ko dahil sa silaw ng araw na humahampas sa mukha ko. Takte, ang init na ah!
Tiningnan ko kung anong oras na, 8:30. Patay lagot! 9:00 dapat andoon na ako sa charity, baka hinihintay na ako ng mga bata doon.
"Mama naman! Bakit ngayon niyo lang ako ginising?" Pumasok na akong banyo pero rinig ko pa rin si Mama.
"Aba! Kanina pa kaya kita ginigising. Pang apat na ulit kitang ginising pero tulog mantika ka." Ani mama.
Ganun? Ano pang silbi na natulog ako nang maaga, tapos late pa rin naman ako? Kainis.
Dali dali na akong nagbihis at inayos ang mga regalo ko para sa mga bata doon.
"Mama alis na po ako. Papa," pagpapaalam ko sa mga magulang ko na nasa lamesa at nag aagahan. Hinalikan ko sila pareho sa pisngi.
"Hindi ka ba mag aalmusal anak?" Inayos ko ang dala dala kong supot. Lumapit si mama sakin at inayos ang suot kong jacket. And yes, it was the jacket that I kneeled down for. Ayos lang. Bagay naman sakin. Hehe!
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...