Salamat sa paggawa ng cover, Mare! Ganda! *o*
Kabanata 67
Sense Of Love
May mga instances na tumatakbo tayo temporarily dahil nagulat tayo. Nasaktan. Gusto muna ng break. Ginawa ko na 'yun noon e.
...at ngayon ay ginagawa ko na naman. Wala e.
Sadyang masakit lang talaga. Sa tingin ko hindi ko pa kayang marinig ang paliwanag niya.
Takbo lang ako nang takbo palayo. Hoping that by running this hurt feeling would disappear.
Pero, hindi. Habang palayo ako nang palayo, bumibigat din ang dibdib ko.
Ramdam ko ang likidong dahan dahang dumadaosdos sa pisngi ko...
Ni hindi man lang niya ako hinabol? O, pinigilan?
Ganun nalang ba ako talaga para sayo Waju? Isang sasaktan?
Piiiiiiiiiiiiiiiiiit!
Agad akong napatigil sa pagtakbo nang may pamilyar na van ang humarang sa daraanan ko. Mabilis akong lumihis ng daan at nagkukumahog na pinahiran ang pisngi ko. Takot na baka makita niya akong umiiyak.
"JABELLE!" sigaw niya habang lumalayo ako palayo sa van nila. Nasulyapan ko pang nakasilip doon ang ex niya.
Shet. Sumasakit na naman 'yung puso ko. Ayaw ko nang umiyak! Tama na! This is already too much!
"Jab! Wait me up! Mag usap tayo!" Si Waju habang hinahabol ako.
Ngunit hindi ako tumigil. Hindi ko na nga alam kung saan ako papatungo. Ang gusto ko lang ay hindi niya ako maabutan. Please...
"Jab naman!" Gaano man ako kabilis tumakbo hindi ko pa rin talaga matatalo ang captain niyo sa basketball.
Hinawakan niya ang pala pulsuhan ko at pinihit ako papaharap sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Sa gilid lang ako tumingin. Kahit todo sigaw na ng konsensiya ko na ang gwapo gwapo ng sadistang 'to ngayon! It's been two days since I saw him...
No. Hindi na ako magpapadala pa...Ayoko na talaga...
"Bitaw." Ang tanging nasabi ko habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
Wala na doon ang van nila sa malayo. Ganon na pala talaga kalayo yung tinakbo namin. Kaya pala ang bilis bilis ng hininga ko ay dahil hinihingal ako.
"No." Matigas din niyang sabi.
Sinubukan kong tanggalin 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero sino bang niloloko ko?
"Bitaw na kasi!" Desperada kong utas. To tell you the truth, kanina pa ako todo pigil na wag umiyak sa harap niya. I don't know! Every time I see him, gusto kong umiyak! Kasi naalala ko 'yung mahigpit nilang yakapan nong babaeng una niyang minahal!
"No. I won't let you go until you heard my explanation." Rinig na rinig ko sa tinig ng boses niya ang pagkadismaya at desperation.
Ngayon ay tumingin na talaga ako sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mata. Ngunit hindi rin siya nagpatinag. He also stared at me. Penetrating my mind, heart and soul again.
I don't know if it's just me or not but every time Waju looks at me, I have this feeling that I'm the only girl on his eyes. He always gave me that assurance na ako lang.
Pero alam kong hindi yun totoo. Ako lang yung nag aassume. Ako lang ang nagbibigay kahulugan sa mga titig niya.
Pero, sinabi niyang mahal ka niya!
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomantizmIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...