Kabanata 56

2.1K 38 8
                                    

Dedicated sa'yo kasi apprecaited ko ang vote mo kada naguupdate ako. Hehehe. Thanks for reading this, nawa'y subaybayan mo hanggang pagkatapos!

Kabanata 56

Liars and Lies

"Kayo na ba?" Matigas ang boses niyang sabi. Kita ko ang mga ugat sa kaniyang panga, at ang simangot sa kaniyang mga mata.

Tumingin ako sa harap ko at nakitang wala na doon si Carley at Waju. I wonder, kung saan kaya sila mag-uusap?

"Bella..." napukaw ang atensiyon ko dahil sa pagtawag niya. I can almost hear in his voice the frustration and desperation.

Tiningnan ko lang siya. At ngayon ko lang napansin ang pagiging matamlay niya. Magulo ang buhok, mas parang lumalim ang mga mata niya and I can reflect on it the pain and tiredness.

Naaawa ako sa kaniya. Hindi ko lang talaga malaman kung paano ko siya kakausapin.

Naalala ko ang mga panahon na palagi siya ang night-in-shining-armor ko. Siya 'yung palaging andyan pag may problema ako, especially when it comes to my Waju's issue. He became my clown, joker and a pillow. Siya 'yung nagpapatawa sakin kahit mahirap unatin ang bibig ko para tumawa at siya 'yung tangi kong sandalan noon.

Wala si Carley nang mga panahong 'yun. Dahil sila ni Waju. At naisip ko, mahirap kung siya ang magcocomfort sakin kung isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ako nasasaktan, diba? At isa pa, hindi naman niya alam na may pinagdadaanan ako. Kasi never ko namang sinabi sa kaniya.

"Hindi..." sagot ko sa kaniyang tanong kung
kami na ba ni Waju. Sana nga ganun nalang kadaling sabihin kami, but I know it's a very selfish thing to ask sa kasalukuyang pangyayari ngayon. . Nagpakawala naman siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Bella..can we talk?" tiningnan ko ang mapupungay na mga mata ni Xyrel.

Ito na siguro ang panahon para marinig ko ang side niya. Para maliwanagan din ako...

So I slowly nod. "Okay..."

Dinala niya ako dito sa may dating pinuntahan namin. Sa may tabing dagat, at sa may loamihan. Naalala ko pa kung gaano ako kalungkot noon but Xyrel's able to wipe those away. Kahit panandalian lang.

Pumasok kami ng loamihan. Di tulad ng dati na medyo gabi na kami noong pumunta dito, ngayon naman, kitang kita ko pa rin ang papalubog na araw sa kanluran.

Tumunog ang aking tiyan ng maamoy ko ang mabangong aroma ng laomi. Nakita ko pang tumingin sa akin si Xyrel. I can almost feel that he's fighting the urge to laugh.

Napanguso ako. "Let's go," anyaya niya sakin papunta sa lamesang kitang kita ang view ng malinaw na dagat, sumasalamin doon ang orange na kulay ng sunset. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa plastic na upuan sa kaniyang harap.

May lumapit agad saming waitress. "Jack! Napapunta ka ulit dito?" maligayang tanong 'nung may edad ng uhm, di pala waitress, siguro siya ang nagmamay-ari ng loamihan na ito. Hindi na rin ako nagtaka nang marinig kong kilala na siya dito, dahil gaya ng sabi niya, palagi siyang pumupunta rito.

"Opo manang Tania," nakangiti namang sagot ni Xyrel. Tumingin pa siya sakin kaya tinaasan ko na ng kilay, kita ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi sabay iling.

"Ano? Dating order pa rin?" nakangiting tanong ni manang Tania habang nagpapabalik balik ang kaniyang mata sakin at kay Xyrel. Sakin at kay Xyrel. Tumango naman si Xy.

"Opo.."

"O, siya, pakihintay lang ha?" at umalis na siya para asikasuhin ang order ni Xy.

Tumukhim ako. "Bakit 'nung, uhm, dati tayong pumunta rito, di ko siya nakita?" tanong ko.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon