Kabanata 54
Gone
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya pinilit kong bumangon para kumuha ng maiinom. Dim na 'yung light sa kwarto ni Waju, ayoko kasi ng madilim.
Tahimik na ang buong paligid, pati 'yung ulan ay mukhang tumila na. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sarili kong mga yapak palabas ng kwarto ni Waju.
Nang ganap na akong nakalabas ay tumama sa paningin ko ang madilim na sala nitong condo. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw bagkus ay dumeretso na lamang sa kusina, at doon na binuksan ang ilaw.
Kumuha ako ng baso saka nagsalin ng tubig mula sa ref.
"Ha.." Daing ko matapos lumandas ang malamig na tubig sa nanunuyo ko ng lalamunan.
Matapos uminom ay naglakad na ako pabalik ng kwarto. Papatayin ko na sana ang ilaw nang bigla kong natamaan ang nakahiga sa may sofa sa sala.
Napakurap pa ako sandali para masigurong hindi ako nagmamalikmata. Pero, totoo e.
Dahan dahan akong lumapit sa tulog na si Waju at pinagmasdang mabuti ang kaniyang lagay. Mukhang ako 'yung nahihirapan sa lagay ng kaniyang katawan e.
Sasakit ang likod niya neto bukas.
Tahimik akong lumuhod sa harap niya saka pinagmasdang mabuti ang kagwapuhan niya. Long eye lashes. Long nose. Light eyes. Red lips and fair skin. Daig mo pang babae kung makagwapo.
"Hayy Waju...bakit ba kasi parang perfect ka na?" Bulong ko saka bumuntong hininga.
Ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya kanina ay biglang dumulas pababa. At natigilan ako ng mahalata ang pamamaga ng kaniyang mga mata kahit na nakapikit ito.
Naramdaman ko na naman ang biglang pagtusok sa puso ko. Lalong lalo na ng mamataan ko ang tubig sa gilid ng kaniyang mga mata. He's crying again, even he's asleep.
Kinuha ko ang kamay niyang nalaglag at ibinalik ito sa kaniyang noo. Babawiin ko na sana ang pagkakahawak sa kamay niya nang bigla na lamang niya itong hawakan ng mahigpit. "Huwag! N..no.." Nagulat ako dun.
Kaya nanigas ako sa kinaroroonan ko. "Please...n..no, don't leave me.. P...please..." Nanikip pa lalo ang dibdib ko. Pati ba naman sa pagtulog niya? Iniisip niya pa rin si Carley?
Napangiti ako ng mapait. Ganun niya talaga kamahal ang bestfriend ko. Kahit na niloko niya siya nito. Mahal na mahal niya pa rin.
"Please...please.. I'm begging.." Untag niyang muli. Muling tumakas ang luha sa pikit niyang mga mata habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
"N..no..Carley, please.." Hinigpitan ko rin ang hawak sa kaniyang kamay. Habang ang isa ay hinahaplos ang kaniyang buhok na parang tinatahang bata.
"No. I won't leave Waju. I'll never will." Kasabay nito ay ang pagtakas rin ng luha sa aking mga mata.
Ang sakit. Halos patayin ako ng sarili kong nararamdaman ngayon.
Seeing someone you love the most hurting by somebody else, and you can do nothing but to watch them suffered is too much pain you can bear. Kasi pakiramdam mo napakawalang kwenta mo. Mahal mo pero nakakakaya mong tingnan na nasasaktan?
But, that's how life works. Hindi mo hawak ang mga nangyari, nangyayari at mga mangyayari pa. Ang tangi mo na lamang magagawa ay kung papaano mo ihahandle ang isang sitwasyon. Kung paano ka sasakay sa alon ng panahon.
"I can't promise I will stay forever. But, I'll never leave." I never. Right?
Muli kong tiningnan ang ngayo'y nakakunot niyang mga noo habang natutulog. Umiiyak at bakas sa mukha niya ang sakit at kalungkutan.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...