Kabanata 35
Ang Pag-uusap
"B-bees..."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na nagawang umalis sa pagkakayakap kay Waju dahil sa gulat at kaba.
Ano nalang ang iisipin ni bees? Na nilalandi ko ang boyfriend niya?
Kita kong napahinto rin siya sa gulat ng makita ako. O dahil sa posisyon namin? At doon lang ako natauhan.
Packing tape! Nakayakap pa pala ako kay Waju. Aalisin ko na sana ang pagkakayakap sa kaniya ng makita kong nakatulog na pala siya.
"Gosh! Anong nangyari sa kaniya?" Yan ang unang lumabas sa bibig ni bees ng matauhan rin siya mula sa pagkakagulat.
Isinandal ko si Waju sa pader at medyo lumayo para makalapit si bees sa kaniya. Pinagpapawisan na rin kasi siya.
"Bakit siya nagpalasing b-bees?" Tanong ni Bees sakin.
"M-may problema kasi siya.. Tara, tulungan kitang buhatin siya palipat sa kwarto niya,"
Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kaliwang braso ni Waju pasaklay sakin. Ganun rin naman ang ginawa ni bees sa kanan.
Dahan-dahan kaming lumabas ng music room papunta sa kwarto niya.
T-teka, nasaan ba ang kwarto nito?
"Alam mo ba kung nasaan ang kwarto niya bees?" Tanong ko sa kaniya ng nasa labas na kami ng music room. Tahimik na rin sa baba, baka natutulog na ang mga katulong nila.
"Yeah, dito sa kanan," alam niya?
Malamang Belle, baka dinala na ni Waju si bees dito. Hayy.
Nang makatapat na kami sa may pintuan, ako na ang nagbukas nito at sabay na naming pinasok sa loob si Waju, maingat namin siyang inihiga sa kama niya.
"---elle..." Tumingin ako kay bees pero mukhang wala siyang narinig na sinabi ni Waju dahil busy pa rin siya sa pag-aayos dito ng higa.
...elle? Ano yun?
"Kukuha lang ako ng mainit na tubig sa baba bees---" agad naman siyang tumayo.
"Ako na," pipigilan ko pa sana siya pero tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto. Talagang ako ang iniwan niya dito?
I trust you, bees.
Naalala ko lang ang text niya sakin. Napabuntong-hininga na lang ako. Bees trust me, hindi ko dapat sirain yun.
Habang hinihintay si bees, kinuha ko ang pagkakataon para tingnan ang buong kwarto ni Waju. Katulad lang ito ng kwarto sa condo niya. Malinis at maayos ang pagkakalagay ng mga gamit niya. Yun nga lang, white and black ang interior color niya.
Parang siya ngayon. Tiningan ko si Waju, kahit na tulog siya yung mukha niya halatang may problema pa rin siya. At ang lungkot tingnan ng mga mata niya na dati puro lang ngiti ang nakikita ko.
Nadapo ang tingin ko sa kaniyang bedside table. Walang ibang nakalagay doon maliban sa isang picture frame, a family picture. Nilapitan ko yun at kinuha, sa may kanan isang magandang babae, kung titingnan mong mabuti, makikita mong may katayaran siya at medyo nakakatakot na rin, nakangiti siya sa picture na ito, at masasabi kong totoo yung ngiti niya dito. Sa may kaliwa naman, ay isang gwapong lalaki, at pagkakitang-pagkakita ko palang sa picture, kilala ko agad kung sino ito----ang daddy ni Waju. Nakangiti rin dito ang daddy niya, pero nahihirapan akong sabihin kung totoo ba o hindi ang ngiting yun. Inilipat ko ang tingin ko sa batang lalaki na nasa gitna. Napangiti naman ako ng makitang ang lapad ng ngiti niya dito, halatang ang saya-saya ni Waju dito. Mga 9 ata siya nito, 'yung time na niligtas niya ako sa Palawan.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...