Kabanata 8

2.2K 50 1
                                    

Kabanata 8

Being their Manager

Manager. Ano nga bang ginagawa ng isang team's manager? Diba 'yun ang alagaan ang team niya, ibigay kung anong kailangan nila. Imanage sila sa tamang gawain at sa hindi. Pamahalaan sila ng mabuti at itulak sa mga bagay na alam mong makakabuti sa kanila.

Hay! Sana makaya ko ito! Huhu.

*prrrrrrrt*

Time out.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kanila. Binigyan ko sila tag-iisang bote ng tubig. Noong ibibigay ko na kay Jack 'yung kaniya hindi niya tinanggap. Kaya tinanong ko siya.

"Anong gusto mo?"

"Royal ang gusto niya bees!" Napatingin naman ako kay bees, bat alam niya?

"Okay sandali lang." Lumabas ako ng gym tsaka pumunta sa isang tindahan.

"May royal po ba kayo?"

"Nakuu, ubos na ineng." Naman! Kainis. Saan ko naman mabibili 'yun? Halos naubos ko na lahat ng tindahan dito lahat walang royal? Grabe naman 'yun. Kung minamals ka nga naman ngayon pa sila naubusan ng stock na royal?! Tumingin naman ako sa wrist watch ko, 5 minutes had passed, mauubos na ang 15 minutes time out nila hindi pa ako nakakabili ng royal sa sungit nayun.

Hinihingal na ako kakalibot dito wala talaga. Kaya no choice ako kundi pumunta na lang sa isang Grocery na medyo malayo layo dito sa school, pero carry lang 'yan! Aja! Fighting! 3 bottles ang binili ko pati na rin 2 bottles ng Red gatorade, yan ang iniinom ni Waju eh.

Bumalik na ako ng school habang tumatakbo pa. Kailangan kong magmadali baka matapos na 'yung time out nila. Pumasok na ako ng gym, at mabuti naman hindi pa sila naglalaro.

"I-ito n-na." Binigay ko na kay Jack iyong royal. Hinihingal pa rin ako pero wala akong pakialam. Tinanggap niya naman 'yun.

"Tagal mo." =_=

"Sorry naman, out of stock 'yang royal mo eh." Hindi na siya sumagot kaya pumunta na ako sa kinaroroonan ni Waju at binigay ko na sa kaniya ang red gatorade.

"Alam mo?" Nakangiti niyang tanong. Napaiwas naman ako. Siyempre.

"Ah, k-kasi yan ang napapansin ko na palagi mong iniinom." Tumango na lang siya.

Bumalik na sila sa paglalaro at bumalik na rin ako sa bench para panuorin sila. Nalalapit na rin ang laban nila sa White Demons, kaya todo insayo sila. Magaling silang lahat.

Sa team nila o sabihin ko sa team KO, haha! Kinacareer ko talaga, ganun naman diba? Okay, sa team nalang NAMIN, si Xinna, Joe, Circo, Jack saka Waju ang starters. Ang galing nilang lahat, si Xinna, Joe at Circo ang galing nilang magdribble ng bola, at si Jack at Waju magaling sa 3 points shot.

And the rest of the team ang gagaling din!

"WHOAH! GO XS TEAM!!! KAYA NIYO YAN! FIGHTING! AJA!" Tumingin naman silang lahat sakin at natatawang nag-thumbs up sakin.

"Yun ow! Mananalo tayo niyan kasi may supportive tayong manager. Haha!" -Xinna

"Sigurado na 'yun!" -James

"Oh yeah! Break it down yow!" -Kai
Binatukan tuloy siya ng kateam mates niya. Haha! Kawawa naman ang maknae namin. NAMIN?! Haha. Huwag na kayong maingay, atin atin na lang 'to.

"Manager oh!" Tapos tumakbo pa siya sa likod ko at parang nagtatago, haha!

"Grabe kayo guys huh, huwag niyo ngang inaaway si Kai." Natatawa kong saway sa kanila, si Kai naman naka pout na parang bata sa likod ko. Ang sarap niyang kurutin promise, kanina pa ako nanggigigil sa kaniya ah. Haha!

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon