Kabanata 57
Insecurities
"I thought also that you were my friend! But you weren't! You never been! Nagsinungaling ka Rose! You lied to me!" Sigaw niya pabalik. Suminghap ako.
"Ako pa ngayon?! Oo! Nagsinungaling ako sayo, Carley-"
"O diba?! Sayo na mismo nanggaling-"
"Patapusin mo muna ako! Nagsinungaling ako sayo na si Waju ang mahal ko! Yun lang!"
"Yun lang ba 'yun?! E, mahal mo naman pala e! So ng mga oras na boyfriend ko siya, nilalandi mo?!" Mabilis pa sa alas kwatrong dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi. Napatagilid ang kaniyang ulo habang tumakip ang buhok niya sa kaniyang mukha. It is the first time I slapped her. Ngunit wala akong maramdamang pagsisisi sa ginagawa ko. Ang baluktot ng mga paniniwala niya. Kilala niya ako. At alam niyang di ko 'yun magagawa, pero pinag-isipan niya talaga ako ng ganun?!
"Wala kang alam Carley! Wala! Ni hindi mo tinanong kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yun! Hindi mo alam 'yung pakiramdam na itulak palayo ang taong mahal mo, at ang malala, ay sa bestfriend ko pa!" Hindi ako nanunumbat. Wala akong karapatang manumbat, because, in the first place, desisyon ko naman 'yun. Ako ang kusang nagdesisyon. Sinasabi ko lang sa kaniya nang malinawan siya sa kung anong pinagsasabi niya.
Inayos niya ang kaniyang mukha at nagulat ako nang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga matang punong puno ng galit at pagkamuhi.
"Akala mo ba ikaw lang?! Akala mo ba hindi rin ako nasasaktan?! Pwes! Masakit, Rose! Masakit makitang 'yung taong matagal mo ng mahal ay mahal ang bestfriend mo! Na kahit anong pagpapapansing gawin ko, hinding hindi niya ako magawang tingnan o ngitian man lang tulad ng ginagawa niya para sayo! I tried so hard! I tried to be like you, pero wala pa rin!"
Kahit di niya sabihin, ay kilalang kilala ko ang tinutukoy niya. At kahit alam ko na, ay di ko magawang hindi magulat sa sinabi niya. Matagal na niyang mahal si Xyrel? Pero, walang siyang binanggit man lang sakin? At anong sabi niya? She's trying to be me? Para ano? Para mahalin siya ni Xyrel? Pero, ang sabi niya noon, ang mahal niya ay si Waju? What the...?
"E, nagsinungaling ka rin naman pala e! Matagal mo ng mahal si Xyrel, but you never told me! Ang tanga mo Carley! Akala ko ba matinik ka pag dating sa ganitong mga bagay?! BAKIT KAILANGAN MO PANG MANGGAMIT NG IBA?" Halos mapaos na ako dahil sa sigawan namin. Dinig na dinig ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Galit, inis, poot, tampo, sakit, hirap. I don't know how I can still managed to stand here, and continue to duel. Kahit pakiramdam ko, I would break anytime.
"DAHIL KAHIT ANONG GAWIN KO...H-HINDI NIYA AKO MAGAWANG MAHALIN!" Nagulat ako, when she slapped me. Hard. Nabato ako sa kinatatayuan ko, habang dinaramdam ang hapdi ng kaniyang sampal.
"Dahil ikaw ang mahal niya! Bakit? Bakit lahat nalang sayo?! Bakit lahat ng taong mahal ko, ay ikaw ang mahal?! Hindi ko makuha ang lahat ng gusto ko dahil nandiyan ka! Naiinis ako sayo, Rose! Mang aagaw ka!" Patuloy siya sa pagsigaw habang dinuduro duro ako ng daliri niya. Ako naman, para akong naestatwa sa mga sinabi niya.
"Mang aagaw ka! Noong una palang, dapat ako 'yung lalaban sa Drum Competition. Ako dapat 'yun. Pero, ikaw ang pinili! Hindi mo alam kung gaano ko nadisappoint ang mga magulang ko. They said I am nothing, compare to you!"
"T-teka-"
"Nakakainis! Dahil dapat ako 'yung nanalo! Akin dapat ang medal na 'yun! Dahil kailangan ko 'yun para makuha 'yung pinakagusto ko!"
"Pero, binigay ko naman sayo ah-!"
"Pero sayo pa rin 'yun! At nakakainis, dahil sa halip na magalit ang mga magulang mo, ay tinanggap ka pa rin! Hindi tulad ng mga magulang ko na patuloy na pinagdudukdukan sa sarili ko na hindi ako worth it..."
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...