Kabanata 13
Trouble
Nakakainis ang abnong 'yun! Iwan daw ba ako? Kanina pa ako libot ng libot at hanap ng hanap sa kaniya pero wala talaga siya. Hininingal na ako sa sobrang pagod, ikaw ba naman halos libutin na ang buong mall ng hindi ka hingalin.
Umupo muna ako sa isang bench dun at saktong sakto kasi may dumaan na manong ice cream. Agad na akong bumili, lahat ata ng kinain ko kanina nawala nalang bigla dahil sa paghahanap sa abnong 'yun. Grabehan lang.
"Nakuu iha, mag-iingat ka sa lugar na 'to, delikado rito." Napatingin naman ako kay manong ice cream dahil sa sinabi niya pero nakaalis na siya agad.
Tiningnan ko naman ang buong paligid kung nasaan ako ngayon. At ngayon ko lang din narealize na nasa isang bakanteng lote na pala ako na walang masyadong tao. Waah! Nasaan na ba ako? Saang parte ba ng mall 'to? Sa sobrang paghahanap ko nakalimutan ko ng tandaan ang pasikot sikot dito.
Pag ako napahamak, patay ka talaga sakin Waju. Papatayin kita ng pagmamahal. Chos.Tatayo na sana ako para umalis, pero may apat na lalaki na lumapit sakin. Bigla naman akong kinabahan, para kasi silang mga lasing eh. Huhu! Tama nga ang sabi ni Mamang Ice cream, delikado talaga rito. Tulong! Tulungan niyo 'ko.
Kahit na parang matutumba na ako dahil sa sobrang panlalambot ng tuhod ko dulot ng kaba, mas pinili ko na lang na magpatay malisya at lumakad na papaalis sa may kanang banda. Pero agad na may humarang sa lalakaran ko, pagtingin ko isa sa mga lalaking lasing ang nakatingin at nakangisi pa sakin. Manyak!
"Naliligaw ka ba Miss?" Hindi ko siya pinansin at lumakad na lang ako sa kabilang banda pero gaya ng una, may humadlang na naman sakin.
"Tinatanong ka Miss. Mag-isa ka lang ba?" Tumawa naman 'yung iba pa niyang kasamahan. Tiningnan ko siya, siya lang ata ang malnourished dito sa sobrang payat pero halos buo niyang katawan napapalibutan ng tattoo. Adik!
Hindi pa rin ako nagsasalita dahil kinakabahan na talaga ako. Tulong! Waju... nasaan ka ba kasi?
Wala na akong madadaanan, dahil pagtingin ko sa harap ko dalawa silang nakaharang dun at nakangisi pang nakatingin sakin habang ngumunguya ng bubble gum.
Naiiyak na ako dito! Bwisit! Tiningnan ko 'yung kanan ko, nandun si Manyak, sa kaliwa ko naman ay si Adik Payat, at sa harap ko ay dalawang obese. Tumingin naman ako sa likod ko, bench.
Dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon, pinisil ko ang ice cream na daladala ko.
Nakangisi lang silang lahat sakin, habang ako naghahanap ng butas na matatakasan. Ayokong magpakita na natatakot ako sa mga aswang na 'to.
"Hindi ka ba marunong magsalita Miss?"
"Pare, pipi ata 'to eh." nagtawanan sila.
"Hayaan niyo, mapagtiyatiyagaan naman 'to kahit papano."
Dahan dahan na silang lumalapit sakin. At habang papalapit sila, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako! Tulong!
Ni hindi ko magawang magsalita para sumigaw ng tulong. Parang nabato na ako sa kinatatayuan ko. Hoy Rose Belle! Kumilos ka ano ba! Alalahanin mo ang tinuro sayo ng papa mo! Black belter ka diba?
TAMA!
Nang hahawakan pa lang ako nung Manyak, tinapon ko sa mukha niya yung ice cream na hawak ko saka siya tinadyakan sa ANO niya.
Susugurin pa sana ako 'nung payat pero agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila yun patiwarik dahilan para matumba siya at tinadyakan ko siya sa tiyan ng malakas kaya napaubo siya ng dugo.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...