Kabanata 41Ginamit Lang Ako
Matagal tagal na rin simula 'nung pumunta ako sa bahay nila bees. Hindi na kami masyadong nakakadyaming eh, at ngayon may problema pa kami dahil galit si bees sakin. Kailan niya kaya ulit ako papansinin? Miss ko na ang babaitang 'yun.
"Tara sa loob guys," aya ni bees.
Kararating palang namin galing school at habang papunta kami sa bahay ni bees ay bumili pa 'yung team ng maiinom at mga makakain na rin. Nakakalungkot nga kasi hindi sumama si coach, nagkaemergency daw kasi 'yung family nila. Ayan tuloy 12 'yung boys at dalawa kaming babae at hindi pa kami nagpapansinan. Ang galing.
"Carley, nasaan pala ang parents mo?" tanong ni Xinna. Oo nga naman, pansin ko lang ang tahimik ng bahay nila ngayon.
"Nasa business trip as usual, wala namang bago dun. "
"Ah, sorry,"
"Ayos lang, ano ka ba."
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay nila bees. Sa tingin ko wala naman masyadong nagbago, 'yung receiving area ganun pa rin naman, malawak at maganda.
"Grabe Carley, ang ganda ng bahay niyo!" nangniningning pang mga matang sabi ni Ray.
"Ugok. Parang hindi malaki 'yung bahay niyo ah," pambabara naman ni James sa kaniya. Nagtawanan naman kami dahil dun.
"Hindi nga. Hindi kasing laki nito,"
"Huwag niyo na ngang pagpantantasiyahan 'yung bahay! Simulan na nating 'yung party ," sabi naman ni bees.
"We can't help it, ang ganda kasi, katulad ng may-ari." lahat kami, as in lahat, ay nanlalaki ang matang tumingin kay Circo. Oo, si Circo ang nagsabi 'nun, grabe. 'Yun na ata ang pinakamahabang linya na narinig ko galing sa kaniya.
Kita ko pa ang pamumula ni bees dahil sa sinabi ni Circo, sinulyapan ko naman si Waju kung ano ang magiging reaksiyon niya. Pero, seryoso lang siyang nakatingin kay Circo.
"T-thanks," nahihiyang sambit ni bees.
Pinagkaguluhan naman ng team si Circo.
"Grabe ka 'tol! Binata ka na!" pasipol-sipol na sabi ni Kent.
"Ohmygee~ I think I'm inlove sa boses niya ~ Hi papa Circooo~" paimpit na sigaw ni James. At nagtawanan kaming lahat dahil dun, kaloka, nabakla pa ata siya.
"Gago," natatawang sambit naman ni Circo. In fairness, improving na siya ah.
"Yan ba ang epekto sa'yo ng pagkapanalo niyo Circo?" tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sakin na parang nagtatanong.
"Na nakakapagsalita ka," dugtong ko.
"Grabe ka manager! Parang sinabi mo na ring hindi nakakapagsalita 'yung tao! Haha!" natatawang ariba naman ni Ejay. Nag-okay sign pa si Circo sa kaniya na parang nagpapasalamat.
"Oh yeah! Simulan na ang pagdiriwang!"
At dun nagsimula ang party. 'Yung mga lalaki lang naman 'yung umiinom, kami ni bees, bawal daw. Kaya wala na kaming ibang nagawa kundi ang uminom na lang ng juice at iced tea na nandun sa ref nila bees.
Inuman dito. Usapan doon. Biruan dun. Batukan dito. 'Yun lang ang maririnig mo dito sa sala nila bees. Ako nandun lang sa hagdan nila bees habang sila ay nasa sofa o di kaya nasa sahig. Ang saya nilang tingnan habang nagtatawanan, kasali na dun si bees na nasa tabi ni Waju habang masayang nakikisakay sa mga kalokohan ng team. Medyo may mga tama na rin sila. Mas lalo pa kasing umingay eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/35306223-288-k95122.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...