Kabanata 68

2.3K 46 6
                                    

Hi, Ate Kira! Dedicated po sa'yo gaya ng sabi ko, nadelay lang. :D Salamat po sa pagbabasa. 

Kabanata 68

No Denials, Just Approvals

Prrrrrrt!

Sirit ni coach Reyes signal na time out muna ng practice.

Agad lumapit si Waju sakin.

Nandito ako ngayon sa gym. Excuse ako sa klase dahil todo training na sila para sa nalalapit na laban sa St. Guirard University.

"Tubig ko?" Binigay ko sa kaniya 'yung paborito niyang blue gatorade.

Uminom siya. Parang nagkaroon ng slow mo... Nakikinita ko ang pag alon ng Adam's Apple niya dahil sa ginawang pag inom. Jusko! Temptations go away! Sinasabi ko sayo!

"Titig pa Manager! Titig!" Narinig kong sumigaw ang team.

Napabawi tuloy ako ng tingin kay Waju. Oh, my God! Nahuli nilang nakakatitig ako kay Waju!

Shems. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko sa kahihiyan. Nagtatawanang lumapit sakin ang team. Si Waju naman ay mukhang walang nahalata. Thank God!

"Captain o!" Kantyaw ng team habang tinuturo pa ako. Sinimangutan ko sila.

"Anong ginawa ko?" Pag mamaang maangan ko. Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Aysos M! Gusto mong sabihin-" hindi natuloy ang kung ano mang sasabihin ni Kai dahil binatukan na siya ni Waju.

"Stop that." Seryoso nitong sabi.

Nagkamot kamot sa ulo si Kai habang 'yung iba ay nagtawanan. Ako naman hindi ko alam ang gagawin.

"Possessive!" Asar kay Waju ng team.

"Hindi ka naman ganyan dati a!" Tawa pa nila.

Namula tuloy ang pisngi ko. Eh? Possessive daw? Kikiligin na ba ako?

Ba't mo pa tinatanong? E, kinikilig ka na nga! Gaga!

Tss. Pakialamera ka talagang konsensiya ka!

"I am not-" si Waju ngunit sinakmal na siya ng nagtatawanang team.

"Big boy ka na Cap!" Tira ni Xinna.

"Lover boy!" Si Kent.

Patuloy lang sila sa pang aasar kay Waju. Ako naman ay nakangiting nagmamasid sa kanila. Ang sarap lang nilang tingnan nang ganyan. Parang mga magkakapatid.

"Jabelle!" Nilingon ko si Waju. Nasa gitna na sila ng gym habang patuloy sa pang aasar ang team sa kaniya. Nakabusangot na po ang gwapo niyong prinsipe.

Uh oh.

"Ano?" Balik kong sigaw dahil nasa bench ako. Nilingon rin ako ng team at nakangising aso ang mga ito.

Kumunot ang noo ko at humalukipkip. Inayos ni Waju ang kaniyang magulong buhok.

"Can I fvcking punch these guys? Ngayon lang talaga!"

Mas lalo lang talagang nagtawanan ang team. And I was like...

Humingi pa talaga siya ng permiso sakin? As out?

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Omg.

"The manager finally tamed the captain! Yow!" Si Ejay. Tawanan muli.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon