Kabanata 24
Meet The Parent/s
Aaminin ko hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nakayakap sakin si Waju. Oras oras ko din kasing chinecheck ang body temparature niya at mabuti naman pabalik ng pabalik sa normal ito.
Tiningnan ko ang wall clock. 4:45 ng umaga. Grabe, first time ko atang nagising ng ganito kaaga. Bangag pa nga ako dahil sa kulang ng tulog eh.
At hanggang ngayon ng higpit pa rin ng yakap sakin ni Waju, akala mo takot maiwan. Hindi naman ako gumalaw kasi baka magising ko siya. Maingat kong inangat ang palad ko para hawakan ang noo niya, mukhang okay na siya, konting sinat na lang.
Dahil nakabukas ang ilaw dito sa kwarto niya nakakuha ako ng pagkakataon para matitigan ng mabuti ang mukha niya. Perfect jawline, mahabang pilik mata, matangos na ilong, maninipis at mapupulang labi, at ang pinakagusto ko sa lahat ang asul niyang mga mata. Sayang, sana kung natititigan ko siya ng gising siya, ang sarap tingnan ng repleksiyon mo na umuukit sa asul niyang mga mata.
Time check: 5:20
Pinilit kong bumangon ng di ko siya nagigising, pero failed. Nang makatayo na ako, dahan dahan niya namang minulat ang mga mata niya.
Hindi ko naman alam kung anong una ko gagawin. Kung lalabas ba ako ng kwarto niya o mananatili dito o di kaya---
"H-hi manager. G-good morning." Nakangiti niyang bati, ang husky ng boses niya, halatang kagigising pa lang niya. Alanganin naman akong ngumiti.
"G-good morning din. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango lang siya at biglang tumayo.
"Okay na ako. Salamat." Ang howt niyang tingnan ngayon. Messy hair. Aish! Kaaga aga, panhahalay na agad nasa isip ko. Diyosko.
Agad naman siyang pumasok ng CR. Maliligo ba siya? Baka mabinat siya, pero naisip kong mabuti na rin yun para mabawasan ang init ng katawan niya. Sobra niya kasing hot.
Napaisip ako, mukha kaming magasawa sa lagay na to. Haha! Pero, nasagi sa isip ko si bees. Hay.
"Waju! Aalis na ako!" Rinig ko ang pagragasa ng tubig, naliligo nga siya.
"Hintayin mo ako Jabelle! Hahatid kita!" Edi hintay.
Halos mga thirty minutes rin akong naghintay bago siya lumabas ng CR. Muntik pa akong mapasigaw ng lumabas lang siyang nakatowel.
Oh my abs!
Syeti! Ang manyak ko naman ata. Tinaas ko na lang ang tingin ko sa mukha niya at na naman!
Bat ang gwapo mo Waju? Wet look pa siya, my gosh! Maghehysterical na ata ako dito.
Sinundan ko naman ang pagpatak ng tubig mula sa basa niyang buhok patungo sa kaniyang machong dibdib patungong 6 pack abs niya at patungong oh my God! Napalunok naman ako. Wooh~ ang init!
"Dito ka na maligo." Napatingin naman ako sa kaniya ng lutang.
"M-maliligo? B-bakit?" Oh no! Huwag niyang sabihin--
"Oo, para okay ka na pagdating sa inyo." Ooh. Sabi ko nga. Napatingin naman ako sa suot ko, suot ko pa pala ang T-shirt niya.
Pumasok na akong CR niya, ang bangoo~ Ano ba tong kamanyakang pumapasok sa utak ko? Ang aga aga. Nakuu.
Tiningnan ko ang sinampay kong uniform, mabuti na lang tuyo na. Agad na akong nagbihis matapos kong maligo at lumabas na ng CR. Nakauniform na rin siya.
Tiningnan ko ang oras, 6:00.
Sabay na kaming bumaba ni Waju ng unit niya at pumunta naman kaming parking lot para sumakay ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...