Kabanata 36

1.9K 46 0
                                    

Kabanata 36

Hirap at Sakit

Kinakabahan akong lumapit kay Mama.

"Ma, ano pong nangyari? B-bakit kayo umiiyak?" tinaas ni Mama ang tingin sakin at mukhang nagulat pa siya.

"A-anak, a-andito ka na pala. " bigla nalang siyang tumayo at pumunta ng kusina. Sinundan ko naman siya.

"Mama, ano po bang nangyari? 'Tsaka, nasaan si Papa?" hindi pa rin siya tumitingin sakin. Busy lang siya sa pagkuhit ng pagkain.

"K-kain na anak," nilapitan ko naman si Mama at hinawakan sa braso niya saka siya tinitigan sa mata. Namumula pa nga ito dahil siguro sa pagiyak niya.

"Ma, sabihin niyo po sakin ang problema. Hindi na po ako one year old para lokohin niyo na okay lang kayo. Atsaka hindi ako si Madam Auring para manhula na lang kunv ano. Kaya sabihin niyo po," paki-usap ko kay Mama. Pero iniwas niya lang ang tingin sakin saka huminga ng malalim.

"N-next time na lang siguro anak, w-wala ito. May napag-usapan lang kami ng Papa mo na hindi ko ginusto, labas ka na dito. Samin lang ito ng... ng Papa mo," bumuntong hininga nalang ako saka ko yinakap si Mama.

"Iintindihin kita sa ngayon Mama gaya ng pag-iintindi mo sakin, pero andito lang po ako kung sakaling gusto niyo ng makakausap, okay po ba 'yun?" humiwalay na siya sa yakap ko saka nakangiting tumango sakin. Hinawakan ko ang pisngi niya saka pinahiran ang mga luha niya.

"Atsaka, huwag po kayong umiyak Mama, pumapangit po kayo lalo eh. Sanay ako sa Mamang inaasar ako at palangiti, hindi po 'yung iyakin," hinawakan naman ni Mama ang dalawang kamay ko.

"Napakaswerte ko talaga at may a-anak akong katulad mo, Belle. Ang swerte swerte namin sa'yo ng P-papa mo," nginitian ko naman si Mama.

"Mama... Swerte rin naman po ako sa inyo eh. Na nagkaroon ako ng magulang na tulad niyo ni Papa, masaya po ako dun. Kain na po tayo, ang drama na natin masyado." Sabay kaming natawa ni Mama.

Salamat naman at nakangiti na siya. Nag-alala ako ng sobra dahil nadatnan ko siyang umiiyak sa sofa kanina. Hindi kasi si Mama 'yung tipo ng tao na iyakin, gaya ng sabi ni Papa, masayahin at palangiting tao si Mama, at alam ko 'yun. Kaya nga nag-alala ako 'nung makita ko siyang umiiyak, dahil alam kong may malalim na dahilan 'yun. Pero gaya ng sabi ko kanina, ibabalato ka na 'yun kay Mama. Sana kung ano man ang problema nila
Mama----

Sandali lang...

" And my decision is your, ...your wife."

'Yan ang sabi ng Daddy ni Waju kay Papa dun sa opisina. Hindi kaya... N-no.

Hindi na ganun 'yun, tiningnan ko naman si Mama na nagpupunas ng lababo, sabi niya kasi tapos na siyang kumain eh.

"Mama, nasaan po ba si Papa?" sandali munang natigilan si Mama saka ako sinagot.

"Nasa taas ang Papa mo anak, bakit?" mukhang nag-aalala pa si Mama. Ano ba kasing nangyayari kay Papa. Sa tingin ko kailangan ko siyang kausapin.

"Meron lang po akong itatanong ma," mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka ako umakyat sa kwarto nila Papa.

"S-sino 'yan?" dinig kong tanong ni Papa ng kumatok ako.

"Papa, ako 'to," nang sabihin ko 'yun bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Papa.

"Pasok ka anak, may kailangan ka?" pumasok ako sa loob at umupo sa kama nila. Samantalang si Papa naman ay pumunta sa harap ng bintana. Ang dami na palang bituin sa langit.

"Papa, bakit po umiyak si Mama? May problema ba kayo?" Yun ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko.

Hindi siya sumagot.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon