Kabanata 34
Si Captain at si Manager
"Mr. C-chua," bulong ko. Siya yung daddy ni Waju. Nakakatakot pala siya sa personal. Nakakaintimidate yung presence niya.
"Oh, you're must be Gregorio's daughter I guess?" Mabilis naman akong tumango.
"O-opo, ako nga po." Kinakabahan kong sabi. Ewan ko ba, may kung ano kasi sa personality ng daddy ni Waju na nakakatakot, yun bang konting mali lang mapaparusahan ka agad.
He's a devil. Sabi ng munti kong isip.
"Right. Nice to meet you iha," kukunin ko na sana ang nakalahad niyang kamay para ishake-hands siya ng mabilis niya itong binawi.
"I gotta go, Gregorio." Tumango lang si Papa dito at tuluyan na siyang lumabas sa opisina ni Papa.
Lumakad si Papa patungong couch para umupo. Samantalang ako ay nanatili pa ring nakatayo.
"Belle, anak. Maupo ka," dahan dahan naman akong naglakad patungong couch na kaharap ni Papa at umupo. Ewan ko ba, pero parang lutang ako sa mga nangyayari.
Anong ginagawa ng president ng Chua's company sa opisina ni Papa? Bakit kailangan, siya pa talaga ang pumunta dito? Bakit parang pakiramdam ko matagal na silang magkakilala? At ano yung pinaguusapan nila na kasama si Mama dun? At bakit ganito, bakit parang hirap na hirap si Papa? At sa tingin ko, parang magkaaway pa sila ni Mama?
Ang dami kong tanong. Ni isa sa kanila hindi ko man lang matanong kay Papa.
Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging sagot niya kung sakaling magtanong ako. Hindi ko naman alam kung anong kinatatakutan ko sa posibleng maging sagot ni Papa. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko.
Nanatili lang kaming tahimik ni Papa. Ni walang gustong magsalita. Yung mga mata ko nakafocus lang sa pader habang si Papa naman ay nakayuko.
Ang hirap pala pag wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo. Nagmumukha kang tanga at lito, ni hindi mo alam ang gagawin mo.
Hindi ko maiprocess ng mabuti kung ano ba talaga yung mga pinagusapan nila. Ni wala akong narinig na kahit anong clue.
Finally, sinubukan kong tingnan si Papa. At sakto namang nakatingin rin siya sakin. Kaya kinuha ko ang pagkakataon para matingnan siya ng maayos. Sa hindi madalas naming pagkikita ni Papa ngayon ko lang napagtanto na parang nangangayayat na siya. At yung mga mata niya, ang lalim na parang wala siyang sapat na tulog at ang mga dark circles sa ilalim ng mga mata niya ay kitang kita na. Binalik ko ang mga mata ko sa itim na mga mata ni Papa, yung mga tingin niya, parang puno ng paumanhin at pagsisi. Pero bakit?
Sa wakas, matapos ang mahabang katahimikan ay nahanap ko na rin ang boses ko.
"P-papa, pwede niyo po bang ipaliwanag sakin ang mga nangyari?" Mukha namang natauhan si Papa sa mga nangyari.
"A-anak, patawarin mo si Papa," si Papa, parang maiiyak na siya. Hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagsosorry sakin.
"B-bakit po kayo nagsosorry?" Tinitigan ako sa mata ni Papa, pero mabilis niya rin itong binawi at itinuon sa bintana na kita na ang sunset. Kung maganda lang ang atmosphere at kung parang walang importanteng sasabihin si Papa, ay yayayain ko sana siyang manuod. Kahit ngayon man lang. Pero hindi pwede.
"Si Marcus," pagsisimula niya habang nakatingin sa kawalan. Nanatili lang akong tahimik.
"He's my old friend. Supposedly, bestfriend na rin."
"Naging magbestfriend po kayo?" Hindi ko napigilan ang bibig ko sa gulat. Ang papa ni Waju at ng papa ko, magbestfriend?
"Oo anak. Pati na rin ang asawa niya, si Yna at ang mama mo. Same school lang ang pinapasukan namin." Parang nag-aalangan pa siya kung itutuloy pa niya ang pagkukwento.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
Storie d'amoreIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...