Kabanata 4

3.2K 57 4
                                    

Kabanata 4

Ang Intensyon

Dumating na naman ang araw na pinaka-ayaw ko. I really hate Mondays, kung pwedeng sabado na lang at linggo ang araw, e. Para sana gumaan gaan man lang ang buhay. Pero, alam ko namang imposible 'yun. But then they say, nothing is impossible.

Mahigpit ang hawak ko sa aking bag habang mag-isang naglalakad patungong eskwelahan, tutal ay malapit lang naman.

*BROOOOOOOOM*

"AY! BROOM BROOM!"

Napatalon ako sa gulat. Anak ng saging na malupit! Gusto ata akong sagasaan ng kung sinong ponsiyo pilatong ito, e! Grabe, kinabahan ako doon ah, ang luwag luwag ng kalsada at dito pa talaga siya magpapaharurot sa walking area?

Humugot ako nang malalim na hininga atsaka hinarap kung sino man ang walang hiyang gumawa noon.

"Hoy, Kuy—" Ayon na, e. Handa na sana akong ipatikim sa kanya ang hagupit ng mga Lantigo kung hindi lang ako napatigil. Bilog ang mata ko sa gulat ng makitang si Waju pala ang muntik ng pumatay sa precious life ko.  Ang bad niya, alam ng may tao dito!

"Sorry Jabelle," ani Waju. Halata namang hindi sensiro ang kanyang paghingi ng tawad dahil tawa siya nang tawa! Ginawa niya sigurong komedya ang epik na mukha ko dahil sa ginawa niya! Talaga naman! Kung 'di ka lang talaga gwapo!

Humalukipkip ako habang nakakunot ang kilay na tinitingnan si Waju. Damn. His morning face is the best view I'm gonna see every morning. Nabawasan ang hate ko kay Monday. Kung ganito ba namang mukha ang makikita ko kada araw? Hindi na talaga ako magrereklamo!

"Gusto mo ba akong patayin Warren?" tanong ko sa kanya.

Tinanggal niya ang suot na helmet. Halos mahipnotismo ako sa pagsayaw ng kanyang magulong buhok dahil sa pang-umagang hangin. Halos mamula ang pisngi ko nang makita ang nakanguso niyang labi. Those kissable lips...ugh.

"Gusto kong Waju ang itawag mo sa'kin, hindi ba't 'yun naman ang tawag mo sa'kin?" Para siyang bata na humihingi na bilhan siya ng ice cream ng Mama niya. Ang cute lang.

Pero, gusto niya talagang tawagin ko siya ng Waju?  Grade three ako noong maisip kong gawan ng nickname si Waju na ako lang talaga ang pupwedeng tumawag sa kanya ng ganoon.

"Hindi ba pangit?" tanong ko.

Umiling si Waju. "Ang gwapo ngang pakinggan, e. Lalo na 'pag galing sa'yo." sabay kindat sa'kin. Mabilis kong iniwas ang aking tingin. 'Yung puso ko, nalaglag ata patungong diaphragm ko dahil sa pagkindat niya. Huwag ka namang ganyan Waju, mas lalo akong nahuhulog sayo, e. Chos lang. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi kaya kaagad kong tinalikuran si Waju bago pa niya makita ang malakamatis kong mukha! Nakakahiya! Pinagpatuloy ko ang naundlot na paglalakad.

"Jabelle! Wait!" pigil ni Waju sa akin.

Hinarap ko siya, pilit ang kunot ng noo. "Bakit?"

"Gusto mong sumabay na lang sa'kin?" Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang motor niya, tapos tumingin muli sa kaniya. Sabay balik na naman sa motor niya at sa kaniya. Uh, uh. Ako sasakay diyan? Kahit mahawakan ko pa ang malutong niyang abs na parati kong pinagpapantasyan sa panaginip ko, hinding hindi ako sasakay ng motor niya. No way!

Humakbang ako paatras ng isang beses. "Nah! H-huwag na, maglalakad na lang ako, malapit lang naman, e. Hehe."

Kumunot ang noo ni Waju. "Sige na. Ano pa't naging magbestfriend tayo, 'diba?" pamimilit niya.

"No way! I mean, huwag na talaga, promise, okay na sa'kin maglakad." Sige na Waju, umalis ka na! Huwag mong ipilit ang ayaw ko dahil baka pumayag pa ako! Hindi talaga ako sasakay ng motor. Never!

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon