Kabanata 42

1.9K 38 0
                                    


Kabanata 42

Realizations

"Tama ka, ayoko sa babaeng bestfriend. Ayoko sa kanila dahil alam kong darating 'yung araw na hindi na magiging bestfriend ang tingin niya sakin. Na mafafall rin siya sakin at pag nangyari 'yun, ano? Masisira ang pagkakaibigan namin, "

" Just simple. I used her. Ginamit ko lang siya para mapalapit kay Carley. At gusto ko sanang si Carley ang gawin kong new manager pero nahihiya ako."

Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Waju. At parang isa itong dagger na paulit-ulit na sumasaksak at dumudurog sa puso ko.

Sabi ko na nga ba eh, alam kong posibleng mangyari ito. Alam ko na sa simula, pero bakit ipinagpatuloy ko pa rin?

Ang tanga ko. Napakatanga ko talaga. Hindi na ako nagsawang masaktan at umiyak ng paulit-ulit ng dahil lang sa isang lalaki. Hanggang saan kaya ako magtitiis ng ganito? Hanggang kailan ko hahayaang pairalin ang nararamdaman ko? Kelan kaya ako sasaya? At hindi na masaktan pa?

Napakadrama na masyado ng buhay ko. Gusto ko muna ng time-out. 'Yung malayo sana dito, 'yung makakalimutan ko kahit panandalian lang ang mga nangyari ngayon.

Akala ko magiging ayos na ang lahat. Hindi pa pala. Tama nga sila, naniwala ako sa mga akala ko.

Kulang pa ba? Kulang pa ba ang ginawa kong pagpapaubaya para masaktan ng ganito? Kulang na kulang pa ba kahit ng sakripisiyong ginawa ko para mangyari sakin ito?

Masama ba akong tao para makaramdam ng ganito? Nagmahal lang naman ako diba? Kasalanan ba 'yun para magbayad ako ng ganito kasakit?

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko habang dahan-dahan ko pa ring sinusway ang swing dito sa mini park. Wala ng masyadong tao dito dahil mga 11 na ng gabi. Pero hindi naman nakakatakot 'yung lugar dahil hindi naman siya madilim.

Nakatulala lang ako sa kawalan ng makarinig ako ng kaluskos. Parang nanggagaling sa likod eh.

Waah! May multo na ba dito?

Narinig ko ulit 'yung kaluskos. Mamaaa! Natatakot na ako dito, pero hindi ko pa rin magawang umalis. Ano baaa.

Lumingon-lingon ako sa paligid.

"M-may tao ba dyan? " kinakabahan kong tanong.

"Meowwww~" Juice colored! Pusa lang pala. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko may mga monsters na akong naatract, eh hindi naman ako demi-god gaya ni Percy Jackson. O di kaya baka may mga dementors ng naglipana sa lugar na ito, wala pa naman akong wand. O di kaya ay mga mutt ang nandito e wala naman ako sa arena, at walang hunger games dito. Kalokaaa. Naloloka na talaga ako.

Nagiging ganito ba lahat ng mga broken hearted? Nakakapagisip-isip ng mga weirdong bagay?

Hay. Nababaliw na ata ako. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa mukha ko, mukha na akong dugyot.

Maglalakad na sana ako ng muli ko na namang narinig ang kaluskos. Tumigil ako sandali at nakiramdam. Pero nagpatuloy uli ako sa paglalakad.

"Awoooooo~" mygowd! Parang nanindig lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa narinig ko. Kanina pusa, tapos ngayon wolf? Nakakaatract ba ng mga hayop ang mga taong broken hearted?

Tinanggal ko ang suot kong sandal at dahan-dahang lumapit doon sa may bushes habang nakahanda ang sandata ko. Kahit kinakabahan na ako ay nagtapang-tapangan akong lumapit.

Nang medyo malapit lapit na ako ay naghintay pa ako kung gagalaw ba 'yung bushes.

At ng gumalaw ito ulit ay huminga muna ako ng malalim.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon