Kabanata 16

1.9K 47 4
                                    


Kabanata 16

Ought To Be A Rehearsal

It's Saturday.

Himala nga at nagising ako ng ganito kaaga. Napansin ko ring walang makulit na nangungulit sakin ngayon ah. Nasaan kaya si Bees? Hindi ba niya ako guguluhin ngayon at kukuliting samahan siya sa shopping niya?

Namimiss ko tuloy si Bees.

Matapos kung maghilamos nagbihis ako ng panjogging. Magjojogging ako! Haha! Medyo malayo kasi ang bahay nila bees kaya baka busy yun ngayon. O baka naman, nagjajogging na siya ngayon? Alam mo naman 'yun, sexy.

Bumaba na ako at pumuntang kusina.

"Hi Mama!" Medyo nagulat naman siya.

"Anong nakain mo anak at nagising ka ng ganito kaaga? Ala singko pa lang ah, atsaka magjajogging ka ba?" Nagpout na lang ako kay Mama.

"Mama naman..."

"Haha! Kasi naman, ayaw na ayaw mong nagjajogging eh, kaya nagulat lang ako.."

"Mama, uso magpalit ng isip."

"Bakit? Nagiging ano na ba kung sakali?" Natatawang tanong ni Mama. Alam niyo na kung san ako nagmana. Haha!

"Mama naman! Alis na po ako. Si Papa ba tulog pa?"

"Oo, baba na rin 'yun mamaya. Sige, ingat ka anak." I kiss her on the cheeks at nagpaalam na rin.

Hindi nga pala alam nila Mama ang nangyari sakin kahapon. Ayaw ko na silang mag-alala sa mga bagay na tapos ng nangyari.

Sa pagtakbo ko nakarating ako ng park. Tumingin tingin lang ako sa paligid ng---

*Boooogsshh*

Aray! Natamaan lang naman ako ng bola! Bwisit! Ang sakit!

"Ay nakuu, sorry miss---manager?!" Napatingin naman ako sa gwapong nilalang na nandito sa harap ko.

"Ejay?" Hawak ko pa rin ang ulo ko dahil sa pagtama ng bola sakin. Naalog brain cells ko dun ah.

"Hala! Manager, sorry po. Si Jack po ang tumira nun." Napatingin naman ako sa likod niya, andun pala ang buong team. Waah! Ang saya naman, andito sila. Practice siguro.

"Okay lang Ejay." Sumama na ako papunta sa court kung saan sila naglalaro. Lahat naman sila napatingin sakin at isa isa akong binati ng good morning. I greeted them back, as usual, makukulit na naman sila. Haha! Ang XS Team ay hindi magiging XS Team kung walang makukulit. Haha!

Bigla namang lumapit sakin si Jack.

"Are you okay?" =_= Siyempre, poker face na naman. Naalala ko tuloy ang pagligtas niya sakin kahapon at ang pagyakap niya. Waah! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil dun kaya tinakpan ko 'yun ng kamay ko.

"Hoy Bella, I'm asking you." Sabi ko nga, napakaimpatient talaga nito. Hmp.

"Okay na ako Jack, salamat ulit kahapon." Tingnan mo 'to, tinalikuran agad ako.

Naramdaman ko namang may kamay na humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako sa gulat. Tawang tawa na naman siya. Sino pa ba?

"Mamaya. 2:00 pm, sa bahay." What? Ano na namang gagawin? At sa bahay talaga nila? Hindi ba pwedeng sa condo unit na lang niya?
Alam ko yang mga iniisip niyo, ayaw ko lang sa bahay nila kasi andoon 'yung parents niya. Nakakahiya.

"Anong gagawin dun?"

"Para sa project Jabelle, may iba pa ba?" Nakangisi niya pang tanong.

"Che! Ewan ko sayo!" Tumawa lang siya at bumalik na sa paglalaro. Umupo na lang ako dun sa bench para manood sa kanila. Diba sabi ko magjajogging ako? Haha! Wag na lang, andito 'yung team ko eh.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon