Kabanata 64

2K 42 1
                                    

Kabanata 64

The Call

Hinihingal akong dumating sa mini van. Nag aalala naman akong nilingon ni manong. "Ayos ka lang ma'am Belle?" Pagtataka nito.

Sinubukan kong gumuhit ng munting ngiti sa mukha ko saka tumango. "A-ayos lang po."

"E, si Sir Warren—" hindi na natuloy ni manong ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hingal na hingal na si Waju. Saglit na nagtama ang aming mga mata, kasabay non ay ang pagkalma niya kahit na hinihingal.

Iniwas ko ang mga tingin at bumaling sa bintana. Narinig ko pang nagtanong si manong. "Ba't kayo hinihingal? May humahabol ba sa inyo?" Nag alala ang boses niya.

Pero hindi na ako sumubok na sumagot. Nawalan ako bigla ng gana. Pinanatili ko lang ang mata sa labas habang unti unti na kaming umaandar.

"Hindi manong. Pakihatid kami ng condo." Napalingon akong bigla sa narinig. Nakatagpo ng mata ko ang malungkot niyang mga mata. May kumurot sa puso ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Tiningnan ko si manong. "Manong sa bahay po ako." Tugon ko. Kung hindi lang kami nasa byahe, hindi na ako sumakay sa van na 'to. Uuwi nalang akong mag isa. Kaso hindi e. Hindi ko alam ang lugar, baka mapahamak pa ako.

Bibigyan ko pa ng panibagong problema ang mga magulang ko.

"Hindi manong. Sa condo kaming dalawa." Sinamaan ko siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na wala na pala ang bahid ng lipstick ni Faith sa labi niya. Ayokong isipin na baka nabura uli 'yun ng panibagong halik.

Ugh. You really are a martyr Belle.

"O, sige..." Agad kong nilingon si manong bago umiling.

"Sa bahay nalang po ako, gusto ko agad magpahinga. Pagod na po ako, pagod na pagod." Sinandal ko ang likod sa may upuan bago pumikit. I'm tired...physically and emotionally. All I wanted is to get rest.

Narinig ko ang pagsinghap ni Waju sa tabi ko. "Pwede ka namang magpahinga sa condo..." Mahinang sabi niya. Hindi na ako sumagot. Sumasakit ang ulo pati puso ko...

"Sige po." Ani manong.

Dahil sa mga nangyari ay bigla nalang akong napagod dahilan kung ba't ako nakatulog sa byahe. Nagising nalang ako na nasa isang, teka, ba't sobrang malambot?

Bumangon ako saka minulat ang mga mata. Nasa kama na pala ako. Gagaan na sana ng tuluyan ang pakiramdam ko na sa wakas ay nakalaya na ako kay Waju kung hindi ko lang nilibot ang paningin ko at nalamang hindi ko 'to kwarto.

Hindi pure white ang kama ko, cream 'yun. At wala akong aircon sa kwarto, electric fan lang. Tapos wala akong bonggang lampshade sa bahay. Wala ring chandelier. Lalo na ang malaking sofa at tukador. In short, WALA WALANG ANG KWARTO KO SA CONDO NG HINAYUPAK NA WAJUNG 'YUN.

Nakakainis. Pag naalala ko na naman ang nangyari kanina, gusto ko nalang magwala. Naiiyak ako. Buseet.

Pinilit kong bumangon at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Waju na nakaupo ng nakajeans lang sa may sala habang may kausap sa kaniyang phone. Naka on ang TV at nasa NBA channel 'yun.

Tang na juice. Bakit di siya naka shirt?! Akala niya pag naghubad siya papatawarin ko siya? Pwes!

"...yes Tita. I'm sorry po kung hindi ko siya naihatid ng deretso sa bahay niyo ngayon, andito po siya sa condo ko...opo, sure Tita wala po akong gagawin, promise. I'll take her home kapag natapos po kaming mag usap. Opo. Thanks tita, bye..."

"Ang kapal talaga ng mukha mo..." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagsasalita. Halatang nagulat siya sa presensiya ko kaya agad siyang napatayo at nilingon ako.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon