Kabanata 18

2K 45 5
                                    


Kabanata 18

Same Hearts

"Anak! Gising na!" Argh! Si Mama talaga, tulog pa 'yung tao eh.

"Aadfghkkl.."

"Anak! Pupunta ka pang charity!" Hmmm.. Charity... Charity...

"Oh my God! Charity!!" Napabangon ako bigla dahil dun. Nakita ko naman si Mama nakapameywang sakin.

"Nanood ka na naman ng Minho mo noh?" Nagpeace sign na lang ako kay Mama. Yeah! Tama, pinanood lo na naman si Minho. Hihi. Eh, sa may concert sila sa Japan kagabi eh. Ang gwapo pa rin niya, walang kupas. Parehas ni Waju. Haha! Landi alert na naman ako.

Mabilis na akong pumasok ng banyo at ginawa ang dapat kong gawin. Matapos magbihis bumaba na ako at nakita ko agad si Papa at Mama sa kusina.

"Papa! Namiss kita!" Lumapit ako kay Papa at niyakap siya.

"Namiss rin kita swetie.." Si Papa kasi, andito nga lang kami sa bahay pero minsan ko na lang siya makita. Kung dadating ako natutulog na siya at minsan wala pa siya sa bahay.

Nakita ko naman si Mama, para siyang nagtatampo kaya nilapitan ko din siya at niyakap.

"Mama, hindi na kita kailangang mamiss, kasi... palagi na kitang kasama!" Ngumiti ako kay Mama, ngumiti rin naman siya sakin.

"Aww, ang sweet ang anak ko ngayon ah." Sabay kurot sa pisngi ko. Si Mama talaga, ginawa akong bata.

"Mama naman, sweet naman talaga ako, hindi lang halata." Tumawa nalang kami ni Mama dahil dun.

"O siya, siya, kain na."

Matapos kong kumain, umalis na agad ako. Baka malate na naman ako eh, magtampo pa ang mga bata sakin.

Pagkadating ko sa Charity for Children, pansin kong tahimik. Oh, nasaan naman kaya ang mga babies ko? Bakit parang walang tao dito?

Pagkadating ko sa may pinakasilid nakita ko si Mother Dianne.

"Mother, magandang umaga po. Asan ang mga bata?" Lumapit naman sakin si Mother Dianne at ngumiti.

"Naku Bella, andun sila sa Play Room, andito kasi si Jude, at kinukwentuhan niya 'yung mga bata."

"Jude po?"

"Oo Bella, matagal na rin siyang pumupunta rito para magkwento ng mga nakakainspire na mga stories para sa mga bata. At sa tingin ko hindi siya nakapunta noong nakalipas na linggo."

"Ah, sige po Mother Dianne, pupuntahan ko lang po ang mga bata. Pwede po ba?"

"Oo naman. Sigurado akong matutuwa na naman sila dahil nandito ka." Ngumiti na lang ako kay Mother Dianne tsaka tumuloy sa Play Room.

Dito pa lang, rinig na rinig ko na ang boses ng isang lalaki na masayang nagkukwento sa mga bata. Nang makilala ko ang boses niya, nagulat naman ako.

T-teka, Jude? Ibig sabihin--ay ang tanga ko talaga! Jude Warren Chua! Seryoso? Pumupunta siya rito?

Pagkarating ko sa pintuan ng Play Room, hindi agad ako pumasok. Tiningnan ko ang mga bata, napangiti naman ako ng makitang seryoso silang nakikinig sa kung ano mang ikinukwento ni Waju.

"---hindi siya marunong magbasa at magsulat. At alam niyo bang may sakit siya? He has a Dyslexia. Sinong may alam ng sakit na 'yun children? Hmm? Ang makasagot, bibigyan ko ng price! Dali!" Nakangiti pa siya habang nakatingin sa mga bata. Agad namang tumayo si Jojo.

"Kuya Jude, ang Dyslexia ay tawag po ta takit na hindi marunong bagbata at magtulat.." Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sinabi ni Jojo. Ang talino talaga ng batang 'to.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon