Kabanata 22

1.8K 41 5
                                    

Kabanata 22

Teenage Love

Pagkapasok ko sa loob, natutulog na pala sila Mama. Kaya dumeretso na lang ako sa kwarto, hindi na ako kumain kasi busog pa ako sa loaming kinain namin ni sungit.

Matapos kong maghalf-bath, nahiga na ako sa kama. Mga alas dyes na ng gabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Napabuntong hininga na lang ako. Ang lahat ng nangyari kanina unti unti na namang bumabalik sakin, ang sakit. Ang hirap, nagsisimula pa lang, nasasaktan na ako, ano pa kaya ang susunod? Ang drama ng buhay ko. Hayy.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko baka sakaling makalimutan ko ang mga nangyari kanina, pero iba ang imaheng lumitaw sa isip ko.

***Flashback

5 yearsago...

Second year highschool na ako ngayon. Naglalakad ako patungong gym, siyempre, panonoorin ko na naman si Waju. Sekreto nga lang, hindi ako stalker ha. Hindi nga ba? Haha.

Maggagabi na rin kasi at nauna ng umuwi si Bees. Alam kong nasa gym pa ngayon si Waju. Sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos, ang ginawa ko lang ay sundan siya ng hindi niya alam.

Palihim akong pumasok sa gym at agad na nagtago sa isang sulok ng bleacher kung saan hindi niya ako makikita. Baka makita pa niya ako, nakakahiya. Wala na ring katao tao dito, kanina pa kasi ang labasan.

Dito sa sulok, kitang kita ko kung paano siya nakakashoot mula sa three points line. Ang galing niya talaga, walang kupas.

Pero, pansin ko habang tumatagal nahihirapan na siyang magfocus, hindi na rin siya makashoot. Anong nangyayari sa kaniya?

"Aish! P*tang ina!" Nagulat ako dun sa sinabi niya. May problema kaya siya? Paano ko malalaman kung di ko lalapitan diba? E kaso...

"Ano pa bang kulang sakin tang*na! Naging mabuti naman akong boyfriend sa kaniya ah! Bakit kailangan niya akong gaguhin ng ganito?! Nakakap*ta!!" Tinatapon na niya ang mga bola kahit saan, kita ko rin kung paano tumulo ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Para namang sinaksak ang puso ko sa nangyayari ngayon sa kaniya. Korny man pakinggan, pero anong magagawa ko? Yun ang nararamdaman ko ngayon eh.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon