Kabanata 14

1.8K 41 8
                                    

Kabanata 14

Guilty

"Halika sa condo." Nagloading na naman ang utak ko dahil sa sinabi niya. Condo? Pupunta kaming condo niya? Anong gagawin namin dun? Waah! Ano ba 'tong pinagiisip ko.

Nandito na pala kami malapit sa parking lot.

"Xyrel, isama mo na sayo si Carley."

"Hindi. Ako na maghahatid kay Bella, ikaw na kay Car--"

"Ako na." Ano ba 'to? Paghatid lang pinag-aawayan pa? Ang sama rin ng tingin nila sa isa't isa. Ano bang nangyayari sa magbestfriend na 'to?

"Hoy kayong dalawa. Tama ng titigan, baka mainlove pa kayo sa isa't isa." Anla? Hindi ako pinansin? Ganun pa rin sila magtitigan, ang sama.

"Jack! Waju! Ano ba?" Naiinis na rin ako sa kanila ah.

"Oh right. Ako na maghahatid kay Carley, let's go." Nauna na silang umalis at sumakay na sila sa kotse ni Jack. Hindi pa nga ako nakapagpaalam kay bees.

"Tayo na." Hinila na naman niya ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at pinapasok ako. Oo na, kinilig na ako. Haha. Pumasok na rin siya at nagulat ako ng tumingin siya bigla sakin.

"Sorry." Kumunot naman ang noo ko. Sorry saan? Sa agad niyang pag-alis? At iniwan niya ako?
Nahalata niya ata ang pagkunot ng noo ko kaya napakamot siya sa batok niya. Pinipigil ko naman ang sarili kong huwag ngumiti at kurutin siya. Ang cute niya kasi!

"Aish! Sorry kung bigla akong umalis kanina, nahihiya kasi ako sa pinaggagawa ko. Babalik pa sana ako pero pagbalik ko dun wala ka na." Napalitan naman ng pag-aalala ang mukha niya.

"Saan ka ba nagsusuot at nawala ka agad?" Wow. Diba dapat siya ang tanungin ko niyan? Ang bilis niya kayang nawala kanina, akala mo ninja sa sobrang bilis.

"Hinanap kita, malamang." Hindi na naman siya mapakali.

"Eh anong nangyari sa'yo? I mean diyan?" Sabay turo sa paa ko.

"At bakit karga ka ni Xyrel kanina?" Pinipilit ko na naman ang sarili kong huwag ipakita sa kaniyang kinikilig ako. Naman eh, nagaalala ba siya para sakin? Awiee, Waju, huwag kang ganyan.

"Ah, wala 'to. K-kasi, natapilok lang ako kanina." Ayaw kong sabihin sa kaniya na muntik na akong mapahamak dahil sa paghahanap sa kaniya. Mag-aalala pa siya masyado, ayos na naman ako eh.

"Anong wala? Patingin nga,"

"Sandali--" Wala na, kinuha na niya ang paa ko at nakita niya ang gasgas-- may gasgas pala ako? Di ko manlang naramdaman.
Mas lalong kumunot ang noo niya ng mapatingin siya sa mukha ko.

"At ano 'tong sugat sa noo mo? At bakit namumula 'yang pisngi mo?" Ack! Bakit? Madami bang sugat ang mukha ko? Halata bang nakipaglaban ako kanina? Sumilip ako sa salamin dito sa kotse niya, at tama na siya, may sugat ako sa noo, baka sa pagkakahiga ko kanina, at saka 'yung pisngi ko parang may marka ng mga kamay na humawak kanina sakin. Nanginig naman ako ng kaunti dahil sa nangyari kanina, akala ko ba okay na ako?

"Hoy Jabelle, okay ka lang? Nanginginig ka eh--t-teka, bakit ka umiiyak?" Nagpapanic na siya kung anong gagawin niya saka pinatay niya 'yung aircon sa kotse niya. Andito pa rin pala kami sa parking lot.

Pinahiran ko na ang mukha ko. Naku naman Belle, bakit ka ba kasi umiiyak? At kailangan sa harap pa ni Waju? Ang bobo ko talaga kahit kelan.

"Jabelle, sumagot ka naman. Nag-aalala na ako dito langya." Halata ngang nagpapanic na siya. Tumingin nalang ako sa kaniya at nginitian siya.

"Okay lang ako Waju." Sinandal ko na lang ang ulo ko saka pinikit ang mga mata ko. Nakaramdam kasi ako ng sakit sa ulo, ano ba 'to. Bakit ngayon pa?

Hindi na umimik si Waju, naramdaman ko na lang na umaandar na kami.

"Jabelle, nandito na tayo.."

"Hoy.. Jabe-- takte, ang init mo!" Napamulat naman ako at nakita ko si Waju na nagpapanic na naman.

"Anong p-problema mo Waju?" T-teka, bakit umiikot ang paningin ko? Baki--

Naramdaman ko na lang na may kumarga sakin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

WAJU

Dali dali kong kinarga si Jabelle at dinala sa unit ko. Langya! Ano bang nangyari sa babaeng 'to at nilalagnat siya? Okay lang naman siya kanina ah. Pambihira.

Nagpapanic na ako dito kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano magalaga ng may sakit, takte.

Tinawagan ko nalang ang isa naming katulong sa bahay atsaka pinapunta dito. Magaling siyang mag-alaga ng may lagnat kaya siya na lang ang tinawagan ko.

Ng makarating na siya agad niya akong pinalabas ng kwarto, siya na lang daw ang bahala. Buti naman, wala akong alam sa mga bagay na yan, baka lumala pa kung ako 'yung gumawa.

Tinawagan ko nalang si Xyrel, alam kung may alam siya dito at para itanong kung inuwi niya ba ng maayos si Carley.

"Hello bro," Hindi siya sumagot. Problema ng taong 'to? Kanina pa siya ganyan, ang sama ng tingin sakin kanina.

"Hoy Xyrel, may problema ba?"
Nagulat naman ako nung sumagot na siya.

|Gag* ka 'tol, ikaw 'yung kasama ni Bella kanina di ba?|

"Oo, bakit?"

|Anong bakit?! Alam mo bang muntik ng mapahamak si Bella sa mga gungg*ng na muntik ng gumahasa sa kaniya?!| Minsan lang magalit 'tong si Xyrel couz he's very expert in hiding his feelings, at nagtataka ako ngayon kung bakit ganun na lang siya magalit.

Alam ko namang mali 'yung ginawa kong pag-iwan kay Jabelle dun, pero kasi--

|Alam mo bang muntik na siyang mapahamak dahil sa kahahanap sayo?!| Anong-- Takte! Ngayon lang nag-sink in sakin lahat. Kaya ba siya may mga galos sa katawan niya? Kaya ba siya ngayon nilalagnat dahil sa trauma? At kaya ba 'yun nangyari sa kaniya dahil sakin?

Tang*na. Malaki nga akong gag*. Ngayon konsensiya ko kung ano ang nangyari sa kaniya.

Binabaan ko na si Xyrel at agad akong pumasok sa kwarto.

"Okay na po siya sir, pahinga na lang po ang kailangan niya."

"Salamat Tin,"

"Atsaka, maglugaw po kayo, para makakain siya, hapon na po sa tingin ko hindi pa siya nakakakain." Tumango na lang ako sa kaniya at umalis na siya.

Tiningnan ko naman sandali si Jabelle na mahimbing na natutulog saka ako lumabas para magluto ng lugaw.

Pagpasok ko sa kusina, napahinto ako,

Anak ng, paano magluto ng lugaw?

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon