Kabanata 38
Kilig Moments
"Hoy Waju. Bakit mo'ko inakbayan kanina? Alam mo namang nandun si bees, kaloka ka. Magselos yun," sabi ko kay Waju habang papunta kami sa disciplinary office para isubmit ang detention slip namin at mabigyan kami ng gagawin namin.
"I winked at her, at alam na niya 'yun."
"Ah, kaya pala."
"Anong kaya pala?" hinawakan ko na ang door knob ng disciplinary office saka tumingin sa kaniya.
"Kaya pala nakangiti pa rin siya kanina at hindi ako nasabunutan," half-meant 'yun. Pinihit ko na ang door knob at sabay kaming pumasok.
"Hindi siya ganun," bulong ni Waju sa tenga ko.
Alam ko.
"Good morning Sir," sabay naming bati ni Waju sa disciplinarian.
"Good morning too," binigay namin 'yung detention slip namin.
"Okay. You will clean the garden at the backyard of this school, water the plants too. And clean the laboratory at room 17."
"Teka po sir, bakit naman po dalawa?" reklamo ng kasama ko. Napairap naman ako. Rich kid eh.
"Why Mr. Chua? You want me to me to make it three?" mabilis naman akong nagsalita.
"No sir! Ayos na po ang dalawa. Thank you, po. Halika na," sabay hila ko kay Waju papalabas ng office. Baka kasi magbago pa ang isip nun eh.
"Bakit naman kasi dalawa?" hinarap ko naman siya.
"Alin 'yung uunahin natin? 'Yung garden o 'yung lab?" nilagpasan niya naman ako ng lakad.
"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ko sa kaniya. Aba! Huwag niyang sasabihin na iiwan niya akong mag-isa? Kundi ipapatikim ko na talaga sa kaniya ang flying kick ko! For real!
"Pupunta akong gym," sigaw niya pabalik ng hindi man lang ako nililingon. At seryoso talaga siya? Iiwan niya talaga ako dito?! Aba! Hindi pwede 'yun! Bukod sa gusto ko siyang *ehem* makasama, dapat rin siyang magtrabaho! Ang unfair kaya.
'Bibigyan kita ng tatlong sigundo para bumalik. Kapag nagpatuloy ka lang, patay ka sakin.'
Isa.
Dalawa.
Tatlo!
Hindi ka babalik ah. Hinubad ko ang suot kong sapatos at hinagis 'yun sa direksiyon niya. Parang nagslow-mo ang paligid at...
"Arayyy!" Ayun! Sapul! Bwahaha! Lumingon sa direksiyon ko si Waju at 'nung makita niya ako, bigla niya akong sinamaan ng tingin.
"What?" maang-maangan kong tanong. Mula sa mukha ko, bumaba ang tingin niya papunta sa paa kong— arg! Nakalimutan ko pala.
Binalik niya ang tingin niya sakin at sabay ngisi. Pinulot niya ang sapatos ko at... at tumakbo palayo.
"Haha! Akala mo ah! Maglakad kang isa lang ang sapatos mo!" Sigaw niya sakin habang tumatakbo palayo at iwinawagayway ang sapatos ko.
Tumingin ako sa paligid. Konti lang naman ang estudyante eh. May klase pa sa ganitong oras.
Okay lang naman siguro na maglakad akong isa lang ang sapatos ko noh? Aish! Bakit ba kasi ang tanga ko at ang sapatos ko pa talaga ang ipinambato dun?
Paano ko 'yun mahahabol eh para namang higanteng elepante ang hakbang nun? Kainisss.
"Hoy ibalik mo 'yan! Ibalik mo ang sapatos ko!" sigaw ko habang tumatakbo para kunin ang sapatos ko. Pero, sarili ko lang ata ang niloloko ko, hindi ko naman talaga mahahabol 'yun eh.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...