Kabanata 55Kayo na ba?
"Angel's gone..."
N..no...
I just stood there like an old portrait lost in beauty. Hindi ako kumilos habang tulalang nakatitig lamang kay Waju. Pawisan pa siya at hingal na hingal. Ang seryoso niyang mukha na walang halong paglalaro at biro ang siyang nagpakaba sakin.
"Pakiulit n-nga?" Nakangangang sabi ko. Pinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata. That fraction of a moment, I'm hoping that he would simply open his expressive eyes and would tell me it was just a joke. A one bad joke. At susuntukin ko siya para doon.
Ngunit nang muli niyang idilat ang kaniyang mga mata, basang basa ko doon ang simpatya at pagluluksa. He struggled for breath in a moment and open his bad mouth to speak.
"Si Angel..." Mahinang sabi niya bago umiling ng dahan dahan. Ayoko mang maniwala, ngunit dahan dahan akong kinakain ng sarili kong paniniwala, ng sarili kong kutob. Naibagsak ko ang aking mga kamay sa magkabilang tagiliran dahil sa biglang panghihina. Nanginig ang labi ko.
"H-hindi.." Tanging utas ko bago mabilis na tumakbo papuntang labasan. Narinig ko ang pagtawag ni Waju sa pangalan ko pero di ko 'yun pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtakbo. Unti unting naninikip ang dibdib ko.
No...si Angel...na palaging palangiti...na palaging nagpapatawa sakin...ang tanging tao na nagparamdam sakin ng kakaibang pagmamahal ng kapatid...si Angel na mahinhin..hindi..
"Jabelle! Wait me up!" Mahigpit na hinawakan ni Waju ang braso ko. Hingal na hingal din siya tulad ko dahil sa pagtakbo. Nandito uli kami sa parking lot.
"W-waju..." Nanghihinang sabi ko, pinipilit na bitawan niya ako. Kailangan kong pumunta sa Charity. Ngayon din.
Pero, sa kabila ng aking pagpupumiglas ay hindi niya ako binitawan kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Bitawan mo ako!" Nagulat siya sa pagsigaw ko, but still his hands are tightly holding my arms.
"Waju, please! Kailangan kong pumunta sa Charity! K-kailangan ko! Si Angel...Waju si Angel! Operation day niya pala kahapon, ngayon ko lang naalala. Waju.. please...kailangan kong makita 'yung bata.." Naghehestiryang sabi ko. Wala akong pakialam kung ano man ang tingin ni Waju sakin ngayon. Kung OA ako or what. Si Angel 'yung pinaguusapan dito!
"Waju, get off me! Kailangan kong-!" He shut me up by griping his hands on me more tightly. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka hinarap sa kaniya. Ang lapit ng mukha niya sakin, at tinitigan ako sa mga mata na..somehow, nagpakalma sa naghaharumentado kong sistema.
Nagulat pa ako ng hinawakan niya ang pisngi ko sabay pahid ng mga luhang di ko alam kung kailan tumulo. "Shhh. Calm down Jab...pupunta tayo sa hospital kung saan siya inoperahan..c-come on.." Hindi na ako nagsalitang muli. Nagpadala nalang ako sa kaniya. Nawalan ako ng lakas bigla dahil sa balita niya.
"Hop in.." Banayad ang boses niyang sabi. Bumuntong hininga ako at umangkas na ng motor. Siya na rin ang nagsuot ang helmet sakin. Tahimik kong ipinalibot ang mga kamay ko sa kaniyang beywang bago niya pinaharurot ang motor. Malamig ang tama ng hangin sa aking mukha, ramdam ko rin ang panunuyo ng mga luha saking mata.
Nang muli kong naisip na baka may nangyari ngang masama kay Angel...naninikip na naman ang dibdib ko. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa mainit na beywang ni Waju para kumapit, natatakot akong mahulog sa motor na 'to habang bumabyahe...
"We're here..c'mon.." Para akong nabuhayan ng kaluluwa ng marinig ang gwapo niyang boses saking tenga. Una na akong bumaba sabay bigay ng helmet sa kaniyang agad din niyang tinanggap. Hindi na ako nangsayang ng panahon at agad ng tumakbo papasok sa malaking hospital na 'to. Alam ko namang tumatakbo rin si Waju sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
RomanceIstorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lahat ng laway para lamang sa kaligayan ng lalaking kanyang mahal. Paulit-ulit man siyang madurog sa tuwing nakikita niya ang lalaking kanyang...