Kabanata 32

2.1K 46 2
                                    


Kabanata 32

Regalo

Kanina pa kami libot ng libot dito pero ni anino nung dalawa, hindi namin nakita.

"Tang*na! Saan niya dinala ang girlfriend ko?" Tiningnan ko naman si Waju. Kanina pa kasi siya naiinis kasi hindi namin makita yung dalawa. O sabihin na nating, nagseselos na rin siya. Halata naman kasi eh.

"Oy, relax lang captain."

"Paano ako magrerelax?! Ni hindi natin sila makita dito! Baka kung ano ng---" Inis ko naman siyang hinarap.

"Wala ka bang tiwala kay Xyrel Waju? Bestfriend mo siya! At isa pa, wala ka bang tiwala kay bees?" Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Ang babaw naman kasi ng ikinagagalit niya. Alam kong walang gagawing masama si sungit. Kilala ko siya.

"Iniisip mo sigurong ang babaw ko noh?" Andito kami sa may bench malapit kung saan nakapwesto ang bumper car. Napagod kami kakahanap sa dalawa.

Tiningnan ko naman siya.

"Ano?"

"Iniisip mong mababaw ako."

"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Pero, sana hindi nalang ako nagtanong. Mukha kasing nainis siya sa sinabi ko.

"Tss. Hindi mo kasi maintindihan." Napailing nalang ako. Mainit lang ang ulo niya ngayon, naiintindihan ko naman yun. Kasi kong sasabayan ko pa, baka mag-away lang kami.

At ayokong mangyari yun.

Nandito kami para magsaya hindi para mag-away.

"Siguro nga," sabi ko nalang.

"Anong siguro nga?" Uminom mo na ako ng hawak kong softdrink bago nagsalita.

"Siguro nga hindi ko naiintindihan," sabi ko habang nakatingin lang sa mga batang masayang naglalaro sa bumper car.

"I'm sorry," bigla naman akong napatingin sa kaniya at nakitang nakatingin din pala siya sakin. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Kaya imbis na magpahalata tumawa nalang ako. Awkward na tawa.

"Bakit ka naman nagsosorry?"

"I shouldn't have said that."

"Ang alin?"

"Na wala kang naiintindihan," ngumiti naman ako sa kaniya.

"Ano ka ba Waju. Totoo naman kasi, hindi pa naman ako nagkakaboyfriend. Kaya tama ka, wala pa akong naiintindihan sa nararamdaman mo ngayon." Tumawa naman siya ng mahina. Ang sarap sa pandinig ng tawa niya. Nakakawala ng pagod.

"May nagsabi na bang ang bait mo Jabelle?" Tiningnan ko naman siya.

"Seryoso ka dyan?" Anong nakain ng isang ito at tinawag akong mabait? Kung si sungit, tanggap ko pa.  Pero si Waju? End of the world na ba?

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Hindi. Mukha kang pangit." Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Sa gwapo kong ito? Tinawag mo akong pangit?" Di makapaniwala niyang sabi habang tinuturo pa ang mukha niya.

"Ano bang dinig mo? 'Sa pangit mong iyan, tinawag kitang gwapo'? Kasi kung oo, tama ang dinig mo." Pambabara ko sa kaniya. Huwag kayong maingay, trip ko siyang asarin ngayong araw.

"Ang sama mo Jabelle," nakapout niyang sabi.

Kyah! Nakakainis kang lalaki ka! Huwag kang magpout kung ayaw mong tanggalin ko yang nguso mo!

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon